Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Ansarap isipin na lagi kitang kasama
Sa mga foodtrip, mga roadtrip, at kung anung pang trip ang magawa nating dalawa
Kapag kailangan mo ng kasama ay isang tawag lang ay ako’y nandyan na
Pero ang hirap palang hanggang ganto lang tayo, hanggang kaibigan lang pala

Mayroon mang mga beses na tayo’y nagtatampuhan
Di natin matitiis ang isa’t isa at muling magpapansinan
Walang tayo pero masaya na ako at wala ng pinag iisipan
Magkalayo tayo ay syang hindi ko papayagan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ako ang inaasahan mong sandalan kapag ikaw ay may kalungkutan
Ako ang nagsisilbing panyo sa mga mata mong luhaan
Ako ang iyong unan na nagsisilbing taga palimot ng kapagudan
At kahit anuman ang iyong kailangan, lagi akong andito para sayo kahit tayo’y magkaibigan lang

Hindi ako nagpapakatanga
Hindi ako nagpaparaya
Pero sapat na ang kung anung mang meron tayong dalawa
Sapat na ang nakilala kita at nakasama kita kahit kaibigan lang hanggang sa huling hininga

Send me the best BW Tampal!

* indicates required