Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kailan dapat pigilan ang puso na magmahal?
Kailan dapat itigil ang nakasanayan?
Magiging sapat ba ang pagmamahal para hindi mo siya iwan?

Kailan ba dapat tapusin ang lahat?
Kailan mo masasabi na tapos na ang lahat?
Kapag ba wala ng dahilan ang pagsikat at paglubog ng araw?

Kailan ka magmamahal ng tunay?
Kailan ka mamahalin ng walang kapalit?
Yung walang halong sumbat ng kahapon?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kailan muling hahayaan ang pusong magmahal?
Kailan hahayaang tumibok ang pusong sugatan?
Kailan susubukang magmahal uli?

Sa lahat ng kailan at paano na tanong ko,
Isa lang ang tanging hiling ko-
Na sa paghilom ng pusong sugatan at mga matang luhaan
Hawak kamay nating susubukang magmahal uli.
Pikit mata nating haharapin ang bukas.
Dahil alam ko sa bandang huli,
Ikaw at ikaw parin…

Send me the best BW Tampal!

* indicates required