Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Para Sa Iyo

Gusto kong mag sulat, magsulat ng tula na para sa iyo,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi kailangan mahaba, kahit ilang talata pwede na nga

Ngunit walang maisip na salita na tutugma, walang maisip na panimula

Wari’y blanko ang utak ko ngayung araw na ito

Tila walang maisip na mga salita para rito

Ngayung gabi, tila ako’y lutang sa pangako mo

Pangako mong baka biglang magbago

Kung dumating ang araw na wala na ako sa tabi mo

Huwag mong isipin na ako’y nagbago ng tingin sa iyo

Baka napagod lang siguro

Napagod sa pag hihintay sa iyo

Hindi magiging magiging madali mahal ko

Sapagakat ang puso ko’y nabihag mo

Ang puso kong binubulong ang pangalan mo

Umaasa akong hanggang dulo ay tayo

Send me the best BW Tampal!

* indicates required