Katanungan

Paano ko ba ito sisimulan

Kung wala namang kasiguraduhan

Kung hanggang saan

Ang nararamdaman ko sayo’y hanggang saan

Ang pagsusumamo ko’y hanggang saan

Ang pangungulila sayo’y hanggang saan

Hindi mawari bakit di ka magawang bitawan

Marahil siguro hindi pa rin ako nalilinawan

Kung paano natigil ang matamis na pagtitinginan

Sa iyong paglisan

Ni wala kang iniwan na kasagutan

Kaya heto ako ngayon

Punong puno ng katanungan

 

Ang lahat ay nag-iba

Mula nang ika’y mawala

Ang puso ko na

Dati’y pilit kumakawala

Dahil sa sobrang saya

Ay unti unting tumigas

Nanigas na parang yelo

Dahil sa biglang panlalamig mo

Ang dating kislap ng mga mata

Sa tuwing ika’y nakikita

Ay napaltan ng luha

Nang muli tayong magkita

At parang wala ka lang nakita

Marahil siguro’y may iba ka na ngang nakita

Kaya pakikitungo mo’y tuluyan na ring nag-iba

O baka hindi

Baka sadyang lumabo lang talaga ang mga mata mo

Kasabay ng panlalabo ng nararamdaman mo

 

Bakit binitawan mo ako

Kung kailan pang tuluyan na akong nahulog sa’yo

Bakit iniwan mo ako

Kung kailan pang handa na akong maging katuwang mo

Bakit nilayuan mo ako

Kung kailan pang tuluyan na ‘kong napalapit sa’yo

Teka nga bakit ba apektadong apektado ako

Eh hindi naman naging tayo

Dahil bago pa man magkaroon ng tayo,

Sumuko ka na sa iyong pagsuyo

 

Naiwan akong puno ng katanungan,

Dahil umalis kang bigla ng walang iniwang dahilan

Hindi ko naman tinuruan ang puso na ika’y maibigan

Kaya sana makalimot rin ito nang hindi ko tinuturuan

Ngunit paano kita kakalimutan

Kung sayo ko lang naman ito naramdaman

 

Hindi ko sigurado,

Kung muli pang titibok ang puso ko,

Gaya ng pagtibok nito sayo

Pero ito lang ang alam kong sigurado

Kahit kailan hinding hindi ka mawawalan ng puwang rito

Dahil binasag mo man ako,

Pag-ibig ko sayo’y mananatiling buo

 

Ang tulang ito ay para lamang sa isang tao na unang minahal ko at patuloy pa ‘ring minamahal ko. Alam kong hindi mo mababasa ito pero gusto ko lang iparating sa mundo kung gaano kahalaga ang isang taong katulad mo, kahit na nasaktan mo’ko, hindi ka kailanman nawala sa mga panalangin ko, mula noon hanggang ngayon, ang tanging hangad ko ay ang makakapagpapasaya sayo. Kaya kung ang paglayo ko ang makakapagpasaya sayo, heto na gagawin ko.

 

 

 

Published
Categorized as Poetry

By Aly

Astrophile

Exit mobile version