KAYA KO PA BA?
Categories Relationships

KAYA KO PA BA?

Unti unting naglinaw yung mundo ko nung dumating ka

Ang sarap sa pakiramdam na may taong naiintindihan ka

Yung taong andyan kapag walang wala ka na

Yung taong hindi ka bibitawan kahit mukha ka ng tanga.

Mahirap mabuhay sa mundong madilim na puro sakit at hirap

Yung sakit na bumabaon hanggang sa hindi ka na makahinga

Sobrang thankful ako kasi dumating ka narelieve yung pain at lungkot

Marami na tayo napag daanan sakit, iyak, lungkot, saya , sobrang saya at contentment

Masakit at mahirap mawala yung nakasanayan na

Mga nakasanayan ko na halos IKAW yung kasama ko

Yung nakasanayan ko na ikaw at ikaw lang ang naging sandalan ko

Yung nakasanayan ko na ikaw lang ang nagiging pain reliever ko.

Ang sarap mabuhay na kasama ka. Na hindi ko kailangan ng ano mang luho sa buhay na ikaw lang pakiramdam ko nasakin na lahat.

The man of my dreams, the man who always cheers me up kapag nanghihina ako, the man who always choose me

The man who loves me so much, The man who deals with my mood swings and the man who always trust me.

Sanay na ko na nandyan ka sanay na ko sa mga bagay na ikaw ang kasama

Ang hirap kapag ikaw yung nawala.

Ang hirap ng sitwasyon pero pinili mo pa rin na kasama ako

I always thanks God to be with you. Kahit nahihirapan ako kahit gabi gabi ako umiiyak at nasasaktan i will always choosing you.

PERO LAGI KONG TANONG! “KAYA KO PA BA”

Kaya ko pa ba yung sakit sa tuwing gabi ng pag iyak

Kaya ko pa ba yung lungkot sa tuwing gabi na nagpapaalam ka

Kaya ko pa ba yung araw na hindi ako ang iyong kasama.

Maraming what if’s Maraming PAANO.

Minsan gusto ko magpahinga sa pag iyak at intindihin pa ang lahat

Minsan di ko na alam kung saan ako pupunta.

Sa lugar kung saan ako lang mag isa, babaybayin ang tabing dagat na ako lang mag isa

Sa lugar na walang nakakaalam kundi ako lang, Sa lugar kung saan luluwag yung pakiramdam

Yung lugar na ako lang ang nakakaalam. Mahal na mahal kita ng sobra sa paraan na ako lang nakakaalam.

Gusto ko maging masaya na ikaw yung kasama , at bubuo ng pamilya na ikaw ang haligi ng tahanan.

Prev Pahinga muna mahal masakit na!
Next “Battling with inner demons”