Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“No man is an island” sabi nga ng isang sikat na kasabihan. Masyado yata tayong naniwala dito at talagang ating pinanindigan.

Siguro bahagi talaga ng ating pagiging tao na masanay na parating may kasama. Mga kaibigan natin na parati nating kasama sa galaan, pamilya natin na kasabay natin sa hapag kainan at ang ating mga minamahal na kasama natin kahit saan. Ngunit nakalimutan yata natin na tayo ay nilikha na isang buong tao, na hindi natin kailangan ng iba upang tayo ay makumpleto.

Hindi naman masamang masanay tayo na may kasama ngunit minsan pati kasiyahan natin ay dinepende na natin sa iba.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang kasiyahan mo ay nakadepende hindi kung sa kung sino, ito ay nakadepende lamang sa iyo. Kahit iwanan ka niya, hindi totoo na hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, hindi totoo na hindi ka na sasaya. Oo nga at may karapatan kang masaktan, maging malungkot ngunit nasa iyo pa rin ang desisyon kung paano ka magiging masaya ulit. Ikaw ay nilikha na nga ng kumpleto; di mo siya kailangan upang ikaw ay mabuo. Siya ay ibinigay lang sayo para maging kasama, hindi para siya ang maging buhay mo at gagawin mo siyang mundo.

Naranasan ko rin kung paano idepende ang buhay ko sa iba, yung kapag hindi mo siya nakakausap o nakikita ay malungkot ka, parang hindi buo ang araw mo, yung kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan mo, hindi ka na masaya kasi wala siya. Nasanay akong gawin siyang dahilan ng kasiyahan ko na pag nawala siya wala na rin yung saya ko. Ngunit dumating na siguro ako sa dulo, napagod na ako at doon ko naisip na hindi ko kailangan ng ibang tao para sumaya.

Kaya ikaw na kagaya ko, nawa maisip mo rin na ikaw, at ikaw lang ay sapat na para sumaya. Ang kasiyahan ay hindi mo mahahanap, ito ay isang desisyon.  Iniwanan ka man niya, di ka man niya itext at ichat, di mo man siya makita, okay lang na malungkot ka, umiyak ka ngunit pagkatapos ay piliin mong maging masaya.

Matapang ka, Maganda ka, Gwapo ka, karapatan mong maging masaya at nawa masabi mo rin na “Kaya ko pa lang mag-isa…”

From BW: “You need a community pero wag mong ibigay sa iba ang kasiyahan mo. Hindi gamot ang lovelife sa kalungkutan. It’s your journey, it’s a personal decision. And remember we have that void inside that only God’s love can fill. Akala natin romance ang sagot, ayun naging pokmaru ka.”

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required