Sobrang saya ko sa mga oras na ramdam kong ako lang.Tuwang tuwa ako sa mga oras na nauuna mo kong naiisip bago iyong sarili at ang ibang taoKinikilig ako kung hawak mo mga kamay ko.Sa bawat ngiti mo na alam ko na ako ang dahilanSa bawat yakap at halik mo na may pagmamahalSa bawat pag aalala at pag aalagaPuso ko ay busog at puno ng siglaNgunit tila nga palabiro ang tadhanaPagkat sa bawat araw na puso ko ay masayaKapalit ay isang linggong lungkot at pagluhaKaya’t di maiwasang magtanong sa sarili:Kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang lumaban sa laban na wala ka namang kalaban laban noong una pa lang?Kaya mo ba? Kaya mo pa bang bumangon kahit hinang hina ka na?Kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang magpanggap na di ka nasasaktan kahit buong pagkatao mo ay nawasak na?Kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang buoin ang iyong sarili kahit ikaw ay durog na durog na?]Hanggang kelan mo lolokohin ang iyong sarili? Hanggang kelan ka magkukunwari?Na ikaw ay malakas, pero sa totoo, wala ng mailabas.At hanggang kelan ka ba aasa?Hanggang kelan ka aasa na ang mga nabanggit sa simula ay totoo at hindi pagbabalatkayo?Hanggang kelan ka aasa na gagawin nya mga iyon, nang walang harang at takip mula sa tanaw ng ibang tao.Pakiusap, gumising ka.Gumising ka na sa katotohanang option ka lang ng iyong inuuna.
Current Article: