I just wanted to share my heartbreak story. Totoo nga yung sinasabi nila na ang babae bago sumuko yan, magtitiis muna yan. Last week, I saw my letter, sinulat ko yon noong nag-cool off kami ng boyfriend ko or should I say ex-boyfriend ko na ngayon.
This letter was written on April 26, 2020 and the content is here;
“One week ago, I was happy. Pagdating ng hapon pinawi lahat yon at tila babahain ng luha ko ang kwarto. Wala akong maintindihan no’n. Wala akong maramdaman kundi sakit. April 19, 2020, is the day when he said, “cool off muna tayo.” Sobrang sakit parin pero parang unti-unti nang natutuyo ang mga luha na sa bawat pagsagi sa isip ko lahat ng mga sinabi niya ay nag-uunahang bumagsak. Natatakot ako na baka hindi na maayos ito. Natatakot ako na baka makalimutan kong mahal ko siya. Isang linggo na ang lumipas pero ganon pa rin ang pakikitungo niya sa akin, cold replies/chat. Naghahalo ang nararamdaman ko. Nasa gitna ako ng namamag-asa at nais nang bumitaw. Namamag-asa ako na maayos pa ito dahil naniniwala ako na mahal niya ako at gusto niya akong makasama. Sa kabilang banda, nais ko nang bumitaw. Napapagod na ako sa pangbabalewala niya. Nararamadaman ko din na parang hinihintay nalang niya akong bumitaw o sumuko. Bakit ko nararamdaman ‘yon? Kase hinahayaan nalang niya na ganon. Para kaseng hindi na siya gumagawa ng paraan para maayos to. Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat mararamdaman. Sa paglipas ng bawat oras at bawt araw, lalong lumalalim ang sakit at tila lumalayo na ang loob ko sa kaniya . May mga araw na tanggap ko na kung sakaling hanggang diyo nalang talaga pero nangingibabaw yung pagnanais ko na maayos ito dahil nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Mahal ko siya pero masakit na, sobra. Mahal ko siya pero parang di ko na kaya.”
After that cool off, bumalik kami sa dati nakapag-celebrate pa kami ng 4th month kahit na lagi niya pa rin akong binabalewa. Alam ko kung ano yung worth ko pero sadyang tanga nga siguro ako kase nanaig yung pagmamahal ko sa kaniya. After 4th monthsary, wala na. Bigla nalang gumulo ang lahat. Di na niya ako kayang intindihin kaya ayom bumitaw na rin ako. Ayoko na kaseng makit pa ulit yung sarili na naghahabol sa wala at nagmumukhang tanga sa lalaking di ako kayang ipaglaban.
Well, it’s been two months simula noong nagbreak kami and ngayon masasabi ko na I’m slowly healing and letting go kung ano man ang napagsamahan namin.
I know, I’ll find someone better but not now. I need total healing.
- Yun lang, so sana nakapag-iwan ako ng something hehe. Know your self-worth and self-bette os better!♡