Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pinagtagpo at Tinadhana

 

14 years na ang nakalipas. Ang bilis ng panahon. Bago yan, atras muna tayo nang kaunti upang alalahanin ang kahapong nagdaan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bata palang tayo napapansin na kita. Ang bibo mo kasi at ang kyut pa. Andami yatang may crush sayo nun. Hindi ko naman ipagkakailang isa ako dun.

Hindi pa tayo grumaduate ng elementarya e lumipat na ako ng paaralan.
Sinubukan kong hanapin ka sa facebook ngunit mali pala ang apelidong akong naaalala.

Nagbinata tayo’t nagdalaga.
Tinahak ang buhay ng malayo sa isa’t-isa.
Lumaking magkaiba ang kaibaigan at kakilala ngunit isang araw muli tayong nagkita.

Kolehiyo na tayo.
Sa campus tour, hindi ko alam na ikaw yun.
Ang alam ko lang, na “crush at first sight” ako sayo.
Iba ang kinuha mong kurso at malabong magka-usap tayo.

Isang araw, sinabi sa akin ng kaibigan ko na kilala ka raw niya at dun ko nalaman na ikaw pala yung kyut na bata sa elementarya.

Naging magkaibigan sa facebook at sa totoong buhay.
Iisang org na sinalihan.
Naalala ko pa ang isang event na kung saan gumanap tayo bilang mag jowa sa isang skit.
Nakaka ilang kasi nga crush kita ngunit kailangan kong gawin para maipaabot ang mensaheng gusto nating iparating.

Sumayaw tayo nun.
Sumayaw sa harap ng maraming tao.
Magkahawak ang magkabilang kamay
At ang iyong isang kamay sa bewang ko at isa kong kamay sa iyong balikat.
Totoo ang ngiti ko nun habang nakatitig sayo.
Ilang sigundo lamang yun, ngunit parang napakatagal.

Usad tayo ng ilang taon.

Napahinto ako sa pag-aaral at ganun ka din.
Hindi nagtagal nagkita tayong muli.
Nagka-usap.
Naging mas matalik na magkaibigan.

Gusto ko yung mga araw na hindi ka natatakot ipakita ang iyong kahinaan.
Yung mga araw na nagpapahayag ka ng tunay mong nararamdam.
Mga takot mo. Mga pangarap mo. Mga nakapagpapasaya sayo.

Ang ganda na sana.
Ngunit nalaman ko na may gusto kang iba.
Magka-iba kami.
Iba ang hilig nya at hilig ko.
Biniro pa nga ako ng kaibigan natin na baka gayahin ko raw yung crush mo.
Sabi ko sa sarili ko “bakit ako magbabago? Ako ito. Magkaiba kami. Kung hindi niya ‘ko gusto sa kung ano ako, baka hindi nga talaga kami para sa isa’t-isa. Wala namang mali sa’kin. Hindi niya lang siguro talaga ako nakikita”

Hanggang sa masakit na.
Tinutkso kayo sa harap ko. Masakit.
Yung kapag hindi mo ko napapansin kasi andyan siya. Masakit.
Minsan umaalis ako, sasabihing gutom at pupunta sa canteen. O di kaya’y sasabihing pupunta sa library para gumawa ng assingments.

Ngunit umiiwas lang pala dahil sa nasasaktang damdamin.

Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman.
Nag dasal ako. Nag fasting.  Ilang beses kong ginawa ngunit hindi parin nawawala.
Hanggang sa isang araw (after 2-3 years) sa group video call natin sinabi mong wala ka nang gusto dun sa dati mong crush.
Napangiti ako sa kaloob-looban ko.

Dahil nung mga panahon na yun,
May mga sinasabi na si Lord sa akin tungkol sa’yo.
Klaro. Na ikaw na talaga.
We’re both serving the Lord. We have the same mission and pasok ka sa naisulat kong standard. The standard na kami ni Lord ang bumuo.

Little did I know, matagal ka na din palang nagdadasal para sa akin.
Until one day sabi mo, “ito na yung araw na itinakda Niya. I’ve been intentionally praying for you since two years ago and God gave me a go signal to finally pursue you.”
English yun. Napaiyak ako.
Kidding.
Syempre, masayang masaya ang puso ko.
I’ve been praying for him for 6 years and now here we are, engaged.

Hindi madali ang aking tinahak na daan.
Ngunit ako’y nag hintay. Nagtiwala sa sabi ng Diyos. Na kahit hindi ko man nakikita ang resulta noon, alam ko na hahantong ang lahat sa ganito kasi ito ang pinangako Niya.
Kaya kumapit ako. Kumapit ng mahigpit sa Kanya.

For years of waiting, hindi ako tumunganga lang dahil sa may pangako na Siya.
Mas ginugol ko ang oras ko sa mga bagay na nakakapagpasaya sa Kanya. Nag sulat ng mga maikling pelikula para sa kabataan, naging life mentor ng ilang kababaihan at sumali sa mga charity programs.

Kung ikaw ay may napupusuan.
Ipagdasal mo yan at ipaubaya sa Diyos.
Tatanggalin Niya yan kung hindi talaga kayo ang para sa isa’t-isa.
Lalo na kung nailalayo ka nito sa Kanya.

To God be the Glory!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required