Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ang hirap pala kapag wala ka yung tipong walang paramdam doon palang nga sa hindi tayo nagkikita napakahirap na.

Sabagay humingi kapala ng kaunting espasyo sa ating relasyon para makapag-isip at para ayusin mo ang iyong sarili.

Namimiss kita, yung mga ngiti mong na kasing tamis ng paborito mong “Cinnamon roll ”

Yung mga pangkukulit na ginagawa mo saakin yung tipong tatawag ka at sasabihin mo lang na mahal na mahal mo ako.

Gusto mo na nandyan ako palagi at ganoon din ako sayo at lahat ng mga pinangako mo saakin

Nauunawaan ko lahat ng pinagdadaanan mo pero sana huwag mong kalimutan na nandito ako para sayo na inaantay kang maging okay.

Wala akong ibang hangad kundi ang kasiyahan mo dahil deserve mo yun at sana naiisip mo din ako yung kalagayan at nararamdaman ko.

Aantayin kita hanggang sa maging okay ka at sana ako parin hanggang dulo

Pero kung hindi na, naiintindihan ko hangad ko parin ang kasiyahan mo sapagkat ikaw lang ang nagparamdam saakin ng

“TUNAY NA PAGMAMAHAL”

Mahal na Mahal Kita.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required