Isa ka rin ba sa nabiktima ng “Pangako babalikan kita?”

Ikaw,

Oo ikaw..

Isa karin ba sa mga napangakuan ng babalikan ka?

Isa ka ba sa mga uto utong naniniwala na may babalik pa?

Well, congrats nagpakatanga at nag aksaya tayo ng panahon sa isang taong LUMANDI na sa iba.

Capslock para dama, baka kasi naghihintay kapa.

Nakakatawa, nakakabwisit at nakakaloka

Bakit kailangan pang mangako kung lalandi rin naman sa iba? Bakit kailangan pang mangako na sa ganitong petsa ay babalikan mo sya? Hindi ba’t parang madaya ka?

Mali, dahil madaya ka talaga.

Pinaghihintay mo sya kahit ang totoo ay gusto mo lang pagaanin ang loob nya, para kapag nagsawa kana sa bago mo ay may babalikan kapa, na kapag hindi umubra ang mga diskarte mo ay babalik ka sakanya.

Sana lang may kapal kapa ng mukha para tumupad sa binitawan mong salita, dahil kung wala maaari bang klaruhin mona sakanya? Para hindi na sya naghihintay sa kagaya mong walang kwenta.

Sabihin mona hangga’t kaya nya pang ayusin ang sarili nya, at sayong umaasa pa, maging handa kana.