Last Moment with You
Categories Move On

Last Moment with You

1 week after break up…

 

Nasa bar ako kasama friends ko para mag-enjoy at makalimot kahit saglit.

‘Di alam ng mga friends ko na katext ko ung ex ko at nakikipagkita. Hanggang sa kailangan ko na magpaalam para puntahan sya. Syempre ayaw nila ko payagan pero nagpumilit ako at sinabi kong “Kailangan ko ‘to. Last na ‘to.”

Dali-dali akong tumakbo para puntahan sya kasi sabi nya hilo na sya at lasing na din.

Pagkakita ko sakanya, inalalayan ko sya pauwi ng apartment para doon na lang kami mag-usap. Para tapusin na lahat. Para maliwanagan ako kung bakit. Para alam ko ‘yung dahilan kung saan ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali. Kasi sa totoo lang, ang daming tanong na gumugulo sa isip ko which is one of the reason kung bakit hindi ako maka-move on. So in-short, naghahanap ako ng closure. Yes, closure. Pero…

 

Closure nga ba ang hanap ko or one more chance?

 

Pagdating namin ng apartment, antok na sya agad at nakatulog na din dahil sa kalasingan. Kaya di rin kami nakapag usap ng maayos. So, nganga ung closure at chance na hinahanap ko that night.

 

To My Ex,

Nung nakipagkita ko nung Sunday ng gabi sayo, marami akong gustong sabihin. Kaso nung magkasama na tayo wala na. “Thank you.” , “Sorry.” , “Iloveyou.” ‘Yun lang yung mga nasabi ko. ‘Di ko man nga alam kung naririnig mo ko non e. Hahaha. Nung moment na katabi kita. Gusto ko buong araw lang na ganon. Katabi kita matulog tas yakap yakap kita. Ayoko matapos ung oras na un.  Kasi alam ko after non, wala na. Kailangan na kitang ilet go. Hindi na kita mayayakap ulet. Hindi na kita makakausap tulad ng dati. Wala na. Mawawala ka na sa buhay ko at ayaw ko mangyari yun.

Aaminin ko, umaasa ko na mahal mo pa rin ako. Na baka pwede pa. Na baka maayos pa. Kasi handa naman akong tanggapin ka ulet e. Sabihin mo lang. Kaso.. parang ‘di na pwede. Kasi ayaw mo na. Kasi mas mahal mo sya. Kaya kung mas magiging masaya ka sakanya. Maybe, it’s time for me na ilet go ka na at isipin ko naman muna sarili ko.

 

 

Ayon, pagkagising ko wala na sya. Ang saya di ba? Lalong nadagdagan ung mga tanong ko sa sarili ko na sya lang ‘yung makakasagot. Lalo ako nahirapang magmove on. Mas nasaktan lang ako sa paghahanap ko ng closure na ayaw nya namang ibigay sakin. Kaya dumating sa point na, narealize ko. Habang hinihintay ko yung closure na yan, mas lalo ko lang pinapahirapan at sinasaktan yung sarili ko. And that time, i decided to let him go na and accept the fact na end na ng story namin. 

 

Now, here I am. Nakamove on na sakanya and I already forgave him for what he did. You just have to accept na tapos na and him let go. Then start to move forward little by little. Until the time you’re already healed and ready to love again.