Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ko alam kung paano magsisimula
Sa loob nang dibdib ko, may sekretong kumakawala
Pinipilit kong itago para di mahalata
Pero heto’t lahat nang nararamdama’y idadaan sa tula

Idadaan sa tula dahil takot akong sabihin
Tinatanggi nang isip ko ang emosyong Hindi maamin
Baka lang mapadaan ka dito at iyong basahin
Gusto ko lang sabihin, kasama ka sa panalangin

Panalangin na sana ay gusto mo rin ako
Humihiling sa langit, bigkas ang ngalan mo
Huwag kang magtataka, kasama pati iyong apelyido
Baka sakaling sagutin, kaya dapat espisipiko

Hindi alam kung Hanggang kaylan itatago ang Lihim na ito
Na matagal Kong iniingatan sa loob nang puso ko
Mananahimik na lang para di ako mabisto
Uupo na lang ako, at titingnan ka sa malayo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


At kung sakali man, na Hindi tayo pareho nang nararamdaman
Pwede bang sabihin mo na tigilan ko na lang?
Hindi ko na itutuloy ang pahinang nasimulan
Nagawang mga talata, akin nang tutuldukan

Send me the best BW Tampal!

* indicates required