Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
It all started when I graduated from highschool. Di ko yun malilimutan. Grumaduate ako with very High Honors, pero walang sinuman ang nag-expect na makakamit ko yun, not even myself. Kasi that time kuntento na ko sa rank ko, and i never expected more of that. But, all of a sudden, nagulat lahat na nakuha ko yun. Masaya ako kasi di ko inexpect na kaya ko pala yun maachieved. Masaya yung family ko nung sinabi ko sa kanila, very proud sila sa kin.
Pero di ko akalain na dun pala sa masayang yugto na yun ng buhay ko, mag-uumpisa ang mabigat na dala-dala ko ngayon.
Masaya ako that time dahil nakamit ko yung achievement na once ko hiniling kay Lord. Pero yung saya na naramdaman ko that time, hindi buo. I started asking myself if, deserved ko ba talaga yun. Maraming lumabas na mga bali-balita that time nung ina-announce yun. Hindi ko yun pinansin kasi alam ko sa sarili ko, na di ako yung tipo ng estudyante na sipsip sa guro. Tahimik lang ako, minsan isang tanong, isang sagot lang. Sinabi ko na lang sa sarili ko na deserved naman ng lahat, at blessed ako dahil ako yung nakaachieved nun.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Pero, habang papalapit ng papalapit yung graduation, napapansin ko na parang may mali. Parang hindi masaya yung lahat sa school about sa results ng ranking, lahat sila, yung mga batchmates ko, schoolmates ko, even mga teachers namin. Yung kinocongratulate ka nila, pero ramdam mo na deep inside sinasabi nila na iba yung may mas deserved nung spot.
I started doubting myself that time.
Hanggang yung saya ko nabulabog na ng doubt hanggang sa nawala na tuluyan yung saya. Dumating ako sa point, na tinatanong ko yung mga kaibigan ko, sabi ko sa kanila, “Deserved ko naman di ba?” Wala ako mapagsabihan that time. Sinarili ko lang lahat yun at di ko sinabi sa pamilya ko. May times pa na, pratice ng grad, nahihiya ako pumwesto sa posisyon ko. Yung gusto ko ng makipagpalit kasi feeling ko yung mga mata ng tao at ng mga teachers sinasabi na “mas deserves nya yan kaysa sayo”.
At nung grad na mismo, yung tipong yung ako na yung sasabitan, humina yung hiyawan ng tao. Mas lalo kong nafeel na hindi ko talaga ata deserved to. Naiisip ko na lang that time, wala naman akong ginawang masama pero bakit nangyayari sakin yon. Hiniling ko nga yun pero di ko naman ninais na sa ganoong sitwasyon.
That time, nag-iintay ako ng magsasabi sa kin personally na, “uy, congrats, deserved mo yan”. Pero puro congratulations lang yung narinig ko.
Sobra kong nalungkot that time. Doon nagsimula na mawalan ako ng tiwala sa sarili ko.
Feeling ko that time, hindi naman talaga ako magaling.
Simula nun, feeling ko di ko kaya lahat.
Hanggang mag college, nadala ko sya, lagi na lang ako may doubt sa sarili ko. At hanggang ngayon, na nagtatrabaho na ko, ganun pa din, sobrang baba pa din ng self confidence ko. Di ko alam kung pano ko maibabalik yung dating tiwala ko sa sarili.