Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Akala ko noong una, kapag naramdaman mo ang mga paruparo sa loob ng tiyan mo, tiyak pag-ibig na ito.
Na kapag magdikit lamang ang ating mga balat ay may isang daang boltahe ng kuryente ang mararamdaman sa sistema.
Iyong kapag isinukob ka sa loob ng payong habang umuulan o kaya kapag pinagbuhat ka ng mabibigat na libro.
Lalo’t higit, kapag pinagtali ka ng sintas ng iyong sapatos sa publiko.
Oo nakakakilig naman siguro iyon.
Subalit bakit ganon?
Habang sa tagal na pamamalagi ko sa mundo,
Ay siyang pagbabaw at paglalim ng pagtingin ko sa pag-ibig?
Mababaw ang pag-ibig sa mga taong nagsisimula pa lamang.
Naghahanap ng pampuno sa kung anumang kakulangan sa pagkatao.
Malalim ang pag-ibig sa mga taong minsan nang nakaramdam ng madalas na paghagupit ng malabagyong sakit.
Ngunit pinilit paring harapin kahit trahedya ang sinapit.
Maniniwala kabang pareho ko silang napagdaanan?