Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Narinig ko ang hugot ni Bella Padilla na “kamusta ka”.
Nangangamusta siya sa taong pinakawalan niya.
Pero paano ako mangangamusta kung nakikita kitang masaya sa piling niya?
Hindi ba dapat ako ang iyong kinakamusta kung sayo ako’y naka move on na?

Mahal kita, alam mo ba?
Hindi ko man sukat akalain pero ito ang aking damdamin na matagal kong nililihim.
Nagsimula sa isang tingin na nagkaroon ng kahulugan dahil sa iyong matang may nais iparating.
Mahirap man aminin pero nakapasok ka sa puso ko nang ‘di ko namamalayan.

Mahal kita, alam mo ba?
Binigyan mo ako ng pansin at sa iyo ako’y lalong nahuhumaling.
Lumalalim ang aking damdamin pero paano ko ba sasabihin na ako sayo’y may pagtingin.
Sana isa lang itong malungkot na pelikula para pwede kong itigil na mahalin ka.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Mahal kita, alam mo ba?
Paano ko malilimutan ang mga sandaling ikaw at ako ay magkasama na wari ba’y walang wakas, bigla kong naalala na oras ay lumilipas at maghihiwalay din ang ating mga landas.
Hindi man sinasabing gusto o mahal ako, nakikita at nararamdaman kong importante din ako para sayo.

Mahal kita, alam mo ba?
Para kang bituin sa langit na kahit kailan ay hindi pwedeng mahawakan kahit pa abot tingin ko lamang. Isang pangarap na mahirap makamtam kaya masaya akong nakikita ka kahit sa panaginip ko man lang. Pagmamahal ko ay suntok sa buwan na iyong masuklian, sana malaman ko kung paano kita malilimutan.

Mahal kita, alam mo ba?
Hindi ako makata pero nakabuo ng mahabang talata.
Hindi man kayang ipagtapat ang pag-ibig ko, umaasa na sa pamamagitan nito, maiibsan ang sakit na nararamdaman na dulot mo.
Hiling ko lamang na mabasa at iyong madama na para sayo ang mensaheng ito.

Mahal kita, alam mo ba?
Oo mahal kita pero pag-aari ka ng iba..
Kung sana pwede kong baguhin ang ikot ng mundo at sana pwede kong tagpiin ang mga pangyayari sa buhay mo.
Pero hanggang sana na lang, dahil ikaw at ako ay pinagtagpo ng kapalaran para sa ibang dahilan at hindi upang magmahalan.
Mahal kita at kailangan nang magpaalam dahil ang puso ko ay sobrang nasasaktan na mahalin ka sa maling paraan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required