Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paano ko nga ba ipaglalaban ang pag-ibig

Kung sa una pa lang ay alam ko na hindi na pwedeng umibig

Paano ko nga ba ipagpatuloy ang nabuong relasyon

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kung takot at sakit lang naman ang dulot na emosyon

Totoo nga rin naman sila, mapag biro talaga ang tadhana

Kung sino pa ang hindi dapat mahalin

Siya pa itong pilit na itinitibok ng puso’t damdamin

Tunay ngang mahirap umibig sa maling pag kakataon

Magmahal sa taong hindi tinadhana sayo ng Panginoon

Oo, mahal kita, mahal mo ako?

Patanong iyan, dahil hindi ako sigurado

Gustohin ko man maging tayo, pero paano?

Hanggang kailan kailangang itago?

Pagmamahalang wagas sayo ngunit bilanggo

Mismong damdamin natin hindi mag katugma

Ipaglaban ang pagmamahal hindi magawa

Sabi ko sa sarili ko kaya natin to

Lalaban ako hanggat makakaya ko

Manaig lang ang pag ibig na ating binuo

Pero napakahirap pala

Kung ako lang ang may gusto

Napakahirap umibig

Kung ayaw sayo ng tao

Kaya ngayon pa lang siguro ihahanda ko na ang sarili ko

Sa sakit na maaring dulot nito

Kaya Kung ang tanging paraan ay magparaya

Kung ang lahat ng mali ay magiging tama

Masasaktan man tayo sa ngayon

Naniniwala ako na may tamang panahon

At sana sa panahon na yan

Kaya na kitang ipaglaban

Yung lumalaban kana

Yung tayo nang dalawa

Sa ngayon paalam muna

Sapagkat, pinagtagpo lang

Pero hindi pa tinadhana

Send me the best BW Tampal!

* indicates required