Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
“To the person I used to pray out loud”
They say being left without hearing any words or explanations are the greatest heartbreaks. But now, I think the greatest pain was to let someone go who’s been in your prayers for almost 4 years. Nag umpisa sa panalangin na “Lord sana siya nalang” and now it ends with “Lord, salamat sa pag daan niya, natutunan kong piliin ang sarili ko kesa sa mga bagay na walang kasiguraduhan”
Sometimes when we encounter someone that cause us pain we always labeled them na “maling tao” but you know I realize maybe we encounter those “maling tao” for us to be ready and to be the “tamang tao” for someone God prepared for us. That they are those painful blessing in disguise who is part of your growing and maturation process. Sila yung mga taong dumaan lang, nag patila ng ulan kasama ka, o pareho mo rin na naghihintay. Pero madalas sila yung nag papatunay na may higit pa pala na nakalaan para sayo. Na hindi ka pang byahe lang at hindi ka pang madalian.
Kaya kung dumating man ang pagkakataon na may dumaan, o nakasama ka sa pagtila ng ulan habang nasa byahe ka ng paghihintay, pilitin mo sana buksan ang isip at puso mo sa mga turo nila. Matutunan mo sana magpatawad at tanggapin na sila ay nag silbing daan at kasabay lang pero magkaiba ang destinasyon nyong dalawa.