Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal, pasensya kana kung marami na akong pagkukulang sayo,
oras at atensyon.
Gustuhin ko man kaso di ako makakilos ng maayos.

OO aaminin ko, malaki parin ang pag-aaalala ko.
Na baka di naman din kasi ganun ang tingin mo sakin at baka ako lang din talaga tong nagmamahal.

Natatakot akong maglaan sa taong uubusin lang din pala ako sa huli.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Alam mo ba….

Gustong gusto kitang makasama habang nandito ka,
gustong gusto kong maglambing sayo at tabihan ka,
gustong gusto ko makipag-kwentuhan sayo, kaso
wala ka naman din gustong ikwento.

Maikli ang bawat reply mo,
Bawat pagsubok kong bumuo ng topic na pwede mapag-usapan,
mabilis lang din napuputol,
halatang hindi ka interesado.

Kaya kung mapapansin mo,
pag-update nalang palagi kong message sayo.
Ramdam kong iba lang din ang gusto mo.
kaya nanatili kang kausapin ako
ang hirap.

Akala ko pa naman ikaw na yung soldier na hinihintay ko
kaso mukhang isa ka ding guwardya,
naka-bantay pero hindi ka mandirigma.

Naghihintay parin ako,
na baka mali itong lahat ng inaakala ko.
At BAKA kahit konti ay mahal mo rin ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required