Hindi mo na kailangang tanungin
Hindi mo na rin kailangang alamin
Ang mahalaga ay marinig mo
Yung bawat pintig ng puso Ko sayo

Mas importanteng iyong madama yung Aking mga yakap
Kesa dyan sa mga fake news mong kinalap
Mas mahalaga yung mga mensahe Ko sayo
Kesa dyan sa ka-chat mo na kinapupuyatan mo

Mas may sense na basahin mo yung love letters Ko sayo
Kesa balikan mo yung mga senseless nyong convo
Mas useful pakinggan yung mga payo Ko
Kesa balikan yung alalaala nyo nung dating pinayungan mo

Mas masarap pakinggan yung sinabi kong “Mahal Kita”
Kesa doon sa paulit ulit mong ngawa na “mahal ko sya”
Mas masakit yung pag-iwan sa Akin ng mundo
Kesa doon sa pag-iwan sayo ng tanong ginawa mong mundo

Mas mahapdi yung pakiramdam noong Ako’y kanilang pinako
Kesa sa pagbalik mo sa kanyang mga pangakong napako
Mas importanteng alalahanin mo kung gaano Kita kamahal
Kesa saktan mo pa yung puso mong napapagal

Hindi ko alam kung Ako dati’y narinig mo
Baka inakalamong guni-guni’t bulong yung isinisigaw Ko
Na sa sobrang lakas ng tibok ng puso mo sa kanya
Di mo narinig na araw-araw sinasabi kong “Mahal Kita.”

Oo! Mahal Kita! Ipagduduldulan ko na sa mukha mo
Mahal Kita! Baka kase sabihin mong minsan ko lang sinasabi to
Mahal Kita! Handa akong makipagbuno uli sa kamatayan
Para lang yung mga katagang “Mahal Kita” ay yong maramdaman

Kung wala pang nagsasabi sayo nito, Mahal Kita
Kung feeling mo mag-isa ka lang sa mundo, Mahal Kita
Kung pakiramdam mo ay wala ng pag-asa, Mahal Kita
Kung ang buhay mo ay puro na lang problema, Mahal Kita

Kung ang tingin mo ay puro na lang negatibo, Mahal Kita
Kung di ka na nakararanas ng mga positibo, Mahal Kita
Kung iniwan ka man ng lahat ng tao, Mahal Kita
At kung nakaligtaan mo na yung sinabi ko, Mahal Kita

Mahal Kita, ilang beses mo man Akong tinalikuran
Mahal Kita, kahit ayaw mo na Kong pakinggan
Mahal Kita, kahit pinagpapalit mo ko sa mga tao, idolo
Mahal Kita, kahit hinahayaan mo ang sarili mong matalo

Mahal Kita, kaya nga ko nagpakapako diba?
Mahal Kita, ni minsan inisip mo man lang ba?
Mahal Kita, anong nangyare’t nanlamig ka?
Mahal Kita, nakalimutan mo na ba?

Yung mga panahon na sinabi mong “Lord, Ikaw at ako”
Yung mga sandaling sinasabi mong “Di ako tatalikod sa Iyo”
Yung moment na sinabi mo sa Akin na “Tinatanggap Kita”
Yun din yung moment na sinabi Ko sayo, “Tinatanggap kita”

Kahit ano pa ang iyong nagawa, Mahal Kita
Kahit pa nilagyan mo ng pader yung pagitan nating dalawa
Babasagin Ko yan ng pagmamahal Ko sinta
Basta’t pakinggan mo lang ako ‘pag sinasabi kong “Mahal Kita”