Mahal Nya Ay Iba (A Poem)
Categories Poetry

Mahal Nya Ay Iba (A Poem)

Mahirap at masakit malaman
Puso ng taong mahal mo sa iba nakalaan
Ngunit mahirap din namang wakasan
Pagmamahal mo sa kanya na lubusan.
May mahal syang iba
Ganun naman talaga diba?
Pag nagmahal ka, madalas di nasusuklian ang halaga
Kahit lahat na ibinibigay mo sa kanya.
Pero anong magagawa ko
MAHAL KO ‘YONG TAO!
Wag mo nang ipamukha
Na wala naman akong makukuha.
Lolokohin na lang ba ang damdamin
magpapanggap sa harap ng salamin
Na di masakit ang nalaman
Kahit sagad sagaran ang sakit abot hanggang laman.
Isang bagay aking natutunan
Ang pag ibig ay hindi tungkol sa kung ano
Ang iyong makukuha’t matatamo
Ito ay tungkol sa paglaban mo kahit alam mong ikaw ay talo.
Pag nag mahal ka
Di na baleng masaktan ka
Basta makita mo lang syang masaya
Pakiramdam mo na ding ika’y maligaya.
Pero pano tatanggapin na may mahal syang iba?
Magbubulag bulagan na lang ba?
Di ipahahalatang di ka masaya?
Kahit na sa loob ay durog ka na at walang ligaya?
Mahal ko sya, mahal nya ay iba
Sitwasyong di kakaiba
Libo libong tao’y dinanas na
Ngunit di mo masasabing ligtas ka na.
Sa pagpikit ng mga mata
Lagi mong maalala’t makikita
Mga panahong kayo’y masaya pa
Na ngayon ay di na madadama pa.
Tanga ba ako kung aasa pa ako?
Na darating ang panahong tutuparin nya ang pangako
Pangako na hanggang huli ako lang
At kailanma’y di iiwan at malilinlang.
Magsinungaling sa sarili
Ito ang aking pinipili
Tanggapin ko na lang ang katotohanan
Na lahat ay may dulo at hangganan.
Siguro ganun na lang nga
Aasa na lang at di na magbubunganga
Na darating pa ang panahon
Na puso’y maghihilom at aahon.
Hindi idadaan sa dahas
Iintayin na lamang ang oras
Na masasabi nya na kahit sa ano mang hamon
“MAHAL KITA MULA NGAYON AT SA HABANG PANAHON!”

Leave a Reply