Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hi guys, just call me Lisa na lang. I’ve been single for 3 yrs now. I just wanna share my story with you guys and somehow ask for advices about it. I have this friend of mine, naging friend ko siya just because friends din yung mga magulang namin. This friend of mine is a guy and tropa din siya ng kapatid kong lalaki and classmate siya before ng bunso kong kapatid. I met him I guess it was 10 yrs ago or more than that. Nagkasama kame when our parents decided to bring us sa summer getaway nila. This friend of mine is gwapo, matangkad, chinito and sobrang bait. Because of that, nagkacrush ako sa kanya without him knowing it. Sobrang saya naman kahit sa unang beses namin nagkita at nagkakilala. After that, sinabi ko sa sarili ko na sana hindi lang dun yun matapos. Na sana magkita pa rin kame at magkausap after that summer getaway. (Btw, we live in the same subdivision kase). Sadly, kahit na ganun yung setup, I never see him na, never ko na siya nakausap until I decided to look for him sa fb. Luckily, I saw his profile and added him up. Inaccept naman niya. Kaya lang, hindi rin kame nagkakausap kahit sa chat. Ayoko lang siguro na ako yung una magchat ganun. (Arte ko dun e).

So yun nga fast forward, recently after ilang years namin di nagkita at nagkausap nagulat na lang ako when I saw him walking malapit sa office namin. He’s working din pala sa pinagttrabahuhan ko but in a different department, different place din. From there, nagkausap kame ng konti. Then I decided to chat him up. Kamustahan ganun.. The moment na nagkausap kame, sobrang saya ko na di ko maexplain. Pakiramdam ko yung feelings na meron ako sa knya ever since parang nagising bigla. Because of that, nagstalk ako sa fb niya. I just wanna be sure na wala siyang gf. Kaya lang, I felt hurt kase may gf na pala siya. Ang masakit pa dun, nagkagf siya 3 yrs ago, kung kelan din ako nakipagbreak sa ex ko. So dahil dun, inisip ko na lang siguro pinagtagpo lang kame pero di kame tinadhana. Di pa rin naman kame tumigil sa paguusap, normal lang masaya lang until dumating yung time na he admitted na may crush siya saken ever since. I was so shocked pero sumaya ako at the same time. Di ko kase inexpect. Masaya ako kase, nararamdaman ko he is always doing anything to make me happy, kahit may gf siya.

Okay naman kame, naguusap na parang normal lang until one day nagulat ako na hindi na siya nagchachat. I found out na nakaunfriend na ko sa fb niya. I was hurt, okay lang naman saken yun pero sana nagpaalam lang siya ng maayos. Gusto kong iconfirm kung siya ba talaga yung nagunfriend saken o gf niya pero di ko na ginawa. Para san pa? I prayed hard na bigyan ako ng sign ni Lord kung para talaga siya saken or what. 2 weeks siyang di nagparamdam hanggang natanggap ko na na wala na talaga siya. Then just last night, someone chatted me and asked for my cp #. Siya pala, I was crying that night. Gulong gulo na isip ko. 🙁

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required