MARUPOK 101
Categories Relationships

MARUPOK 101

MARUPOK?

Salitang galing sa rupok na ang ibigsabihin ay mahina, hindi matibay at mabilis bumigay.

Mabilis bumigay kapag narinig mo sa kanya ang salitang “SORRY” sasabayan ng “ILOVEYOU”

MARUPOK na isang katangahan kung ituring ng karamihan na sa isang halik lang ay mapapa uhhhh “ILOVEYOUTOO” KA

Bakit sa dinadami ng kasalanan nya natututo mo pa rin syang patawarin kahit ginago at niloko ka na ng paulit ulit sa isang “ILOVEYOU” OKAY KA NA.

MARUPOK tawag sakin ng mga taong alam kung gaano ako kabilis magpatawad kasi sa sobrang mahal na mahal kita na kahit na sobrang sakit na sasabihin ko sa sarili ko “OK LANG AKO MAGIGING OK DIN KAMI”

TANGA AT MARUPOK ang tawag nila sa mga taong nagpaparaya at nagpapaubaya na masaktan sila ng paulit ulit at umiyak ng halos mapuno mo na ang LA MESA DAM sa sobrang sakit ng ginawa nya.

Bakit ba kayhirap pigilan ang damdamin ng isang taong nagmamahal ng sobra sa taong hindi makita kung gaano sya kahalaga.

Durog na durog ang damdamin mo na halos isumpa mo na pati si kupido na ang sarap uminom ng asido upang mawala ang sakit na dulot ng pagkabigo

Pagkabigo na akala mo ay magbabago sa tuwing ikaw ay ginagago at niloloko

MARUPOK ang tawag sa mga taong halos magbigti na sa sobrang sakit na kapag nakita ang salitang “MAHAL KITA” hihinga ng malalim at sasabihin “wag mo na uulitin ah”

Pero bakit ba? Bakit ba sa tuwing napapatawad mo sya ilang araw lang masasabi mong “heto nanaman sya”

“HETO NANAMAN SYA” akoy muling iiyak at magmamakaawa sya hanggang sa marining ang salitang “SORRY” at “MAHAL KITA” at uulit uulit nanaman hanggang sa maramadaman mong “WORTH IT PA BA?”

MARUPOK na sobrang RUPOK sarap ipukpok ng ulo kong sobrang tigas at ayaw makinig habang nakikipagtalo ang puso na pilit ikaw ang tinuturo nito.

MARUPOK, TANGA ang tawag sa kagaya kong sa isang ngiti mo lang OK NANAMAN AKO.