Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Masaya akong makita kang masaya ,

mga ngiti na kusang lumalabas sayong labi kapag pangalan niyay nababanggit ,

mga ngiting abot langit wala na atang hihigit sa kaligayahan mong dulot sakin ay sakit ,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


na ako sa isang sulok ay hindi maiwasang mainggit , nalilito , nagtatanong na tila parang pag dating sakin ika’y nakapikit .

Ano bang dapat kong gawin ?

Ano bang dapat kong sabihin ?

Akoy nandito lang naghihintay nag iyong pansin ,

Ako yung nandito handa kang kilalanin at mahalin .

Ngunit paano ?

Sa tuwing ipapakita ko ang nararamdaman ko lagi mong sinasampal saakin na siya ang gusto mo .

 

Ako bilang kaibigan mo lang , walang ibang ginawa kundi suportahan ka kung san ka masaya , palakasin ang loob mo kapag ikaw ay hinang hina na .

Siya na walang ibang ginawa kundi paasahin at saktan ka , sa huli pinili mo pading lumapit kesa dumistansya .

Tanggap ko na siya ang gusto mo at wala akong balak manggulo

nirerespeto ko na siya ang pangarap mo  at kailan man hiding hindi magiging ako .

ngunit paano nalamang ang pangarap ko ?

ang pangaraap kong ikaw at ako ?

ang pangarap kong tayo na tila impossibleng mabuo .

 

Gabi gabi pinapanalanginko na sana ingatan at pahalagahan kadin ng taong gusto mo , at kung mabibigyan man ng pagkakataon gusto kong sabihin sa babaeng gusto mo na  ang swerte mo , ibinigay sayo yung taog pinapanalangi ko ”

Send me the best BW Tampal!

* indicates required