Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Mga gusto mo na gusto ko”

 

Alam ko na gusto mong ginagawan ka ng tula

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Tapos kakantahan ka sabay sabing

Ikaw ang pinakamaganda

Na iingatan at patatawanin ka

 

Kaya ginawa ko lahat ng posibleng

Iyong ikakatuwa

Pero hindi ito tungkol sa mga gusto mo,

Kundi dahil ito ang gusto ko

 

Gusto kong ipakita sa’yo ang mundo

Sa ilalim nang mga pahina ng librong

Sinusulat ko para sa’yo

Sana’y unawain mo

 

At sa mga tonong masakit sa tenga,

Mga lirikong hindi tama

Ay aking ginagawa upang madinig

Ang emosyon ng panghaharana

 

Pero mas nagustuhan ko yung

Pagiging malapit mo sa diyos

Rason kung bakit nilalapit ko sarili ko sa kanya

Para sa paglapit ko ay nasa tabi na kita

 

Nagustuhan ko kung paano ka ngumiti

Kung paano ka magalit

Sa mga panunuksong aking ginagawa

Nagustuhan ko lahat

 

At ikaw na ang rason

Kung bakit susulatan ko pa

Ng mga letra ang

Mga susunod na pahina

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required