Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Gumagawa ako ng tatlong tula lamang sa isang linggo sapagkat pinagiisipan ko talagang mabuti ang aking ginagawang tula at naghahanap ako ng inspirasyon para dito ninanais ko at sinisigurado ko na akin talaga ang mga tula na inilathala ko. Ninanais ko kasing gayahin ang aking mga tula na katulad sa mga tula ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal. sanay magustuhan nyo at pasensya na sa mahabang introduksyon ko.

Wag mong sabihin na:
“pasensya na ,marupok ako”
sa halip sabihin mo :
“patawarin mo ang pusong tinitiis ang sakit na nadarama sapagkat nabulag sa pagmamahal sayo.”

Wag mong sabihin na:
“mag momove-on na ako”
sa halip sabihin mo :
“papalayain na ang pusong pilit pinaniwalaan ang pantasyang tayo parin hanggang sa huli”

Wag mong sabihin na:
“ikaw padin ang mahal ko”
sa halip sabihin mo :
“pilit mang ibaling ang atensyon sa iba pusoy ikaw parin ang hanap”

-JuneRizal

sanay tangkilikin nyo rin ang aking twitter acc @rizal_june.