Move on, kahit hindi naging kayo
Categories Bdub

Move on, kahit hindi naging kayo

Ang weird lang sa pakiramdam. Nasasaktan ka. Kinikilig ka. Masarap sa feeling kapag kausap siya. Pero ang tanong, ano ka ba talaga sa kaniya? Baka past time ka lang kapag bored siya? O baka naman ineenjoy niya lang ang company mo kapag wala na siyang ibang makausap? And sadly. todo asa ka na. Magulo lahat. Walang clarity. No label relationship. Papunta ka na sa pagkawasak.

Bakit nga ba tayo nasasaktan? Dahil ba umaasa tayo ng sobra o dahil masyado tayong pinaasa? To be honest, wala naman dapat mahirap sa pagmamahal. Wala naman talagang dapat naguguluhan. Wala naman dapat nasasaktan. We just make things complicated by refusing to clarify intentions in the first place. Masyado ka nang attached sa kaniya. Parang umiikot na mundo mo sa kaniya. Lagi mo siyang naiisip and you expect the person to feel the same towards you. Kaso lang, hindi lahat happy ending. Kapag hindi niya nabalik sa’yo yung feelings na inaasahan mo, you’ll feel deeply hurt and heartbroken. It may sound funny at first kasi nga wala namang kayo, pero deep na kasi yung emotions that you’ve invested for that person. Kaya ang hirap na din makawala.

So maybe at some point, sasabihin mo rin sa sarili mo na kailangan mo nang mag-move on. Kasi parang wala namang patutunguhan. Walang malinaw na direksyon kung ano ang meron kayo. You are always left hanging. Hindi maganda sa pakiramdam. So save yourself. Prevention is better than cure. Habang hindi pa masyadong malalim, move on and never settle for what you don’t deserve.