
Binagtas muli ang daan na may bahid ng kulay na mula sa nakaraan
 Tinahak ang espasyong punung-puno ng halimuyak ng kaniyang pag-usbong nang hindi namamalayan
 Sinilayan ang tanawing sabay na nakita’t pinagmulan
 Mga damdaming lumuwas nang walang paalam kailanman
 Sumiklab na parang apoy
 Nakapapaso, nakauubos.
 Ngunit ito’y babalik-balikan
 Para sa iisang tao lamang.
 
                                                         
                                                         
                                                         
                                                         
                                                        


 
                                                
