Categories Relationships

“Nagliliwanag kasi”

 

May aaminin ako
Mahal kita,oo
Mahalaga ka,totoo
Gwapong-gwapo ako sayo,todo

Napapatulala na lang
Isa ka kasing nagliliwanag na nilalang
Nakakasilaw,nakakalinlang
Bituin sa mga mata’y di ko mabilang

Napapatakbo,kinakabahan
Ganyan ka-abnormal puso ko pag ika’y nandiyan
Bibilang na lang hanggang isang daan
Para maibsan ang aking kabaliwan