Nagmamadali Ka Ba?
Categories Poetry

Nagmamadali Ka Ba?

Magbabayad ka ng mahal

Sa mga bagay na minamadali mo

Isa itong realisasyon

Mula sa bagay na minadali ko

 

Mas mahal talaga ang binabayaran

Lalo kung express shipping ang pipiliin

Dahil hindi ako makapaghintay

Sa pagmamadali ang bagsak ko

 

Hindi lang sa ganitong bagay ito

Pati sa totoong buhay ay ganito

Madali mo ngang makukuha ang gusto mo

Pero mahal ang babayaran mo

 

Hindi lahat ng bagay na “mahal” ay tama

Hindi lahat ng “mura” ay mali

Hindi mali ang maghintay

Maraming nagkakamali sa pagmamadali