Hindi ito ang panimula, kundi ang pagpapa-tuloy.
Simulan ng may ngiti sa iyong mga labi.
Paano?
Kung sa bawat pag-gising problema na ang nakaharap sayo,
Ang bawat suliranin ay may sulusyon.
Gawain sa eskwela, problema sa pera pati na ang sariling emosyon,
Kakayanin ba?
Kung sa bawat pagbangon panibago nanamang hamon.
Hindi madali, pero maaaring subukan mo.
Sa bawat lakad, yakapin ang positibo, kaysa reklamo.
Bawat tao ay may kanya-kanyang kwento,
Paano nasasabi ito? Mga taong wala naman sa kalagayan ko.
“Wala ka ng pag-asa”, “hindi ka maganda”, “wala kang patutunguhan”
Masasanay ba? Hayaan nalang? O tuluyan ng paniwalaan sila?
Higit na nakakakila sa sarili, ay ang sarili.
Ngunit masakit ang mga katagang di na bago sa pandinig.
Lumaban ng sapat at nararapat.
Gusto ko ng magpahinga,
Magpapatalo na lang sa mga taong mapanghusga.
Suko na ako, ayoko na sa mundo.
Tama bang marinig ito mula sa labi ko?
Magpapakain na lang sa sistemang kinagisnan ko.
Hindi ito ang pagtatapos,
Ito ang panimula, dito ka magsimula.