“Tinatangi”

Kasabay ng pagsapit ng bukang-liwayway
at pagsikat ng araw ay
nais kong masilayan
mga pisngi mong kaysarap
pagmasdan…

Nagbibigay tamis sa aking
mga ngiti..
‘di maipaliwanag
kung anong sayang hatid nito sakin…

‘na lagi kong Tinatangi
sa bawat araw na magdadaan
‘di mapakali sapagkat
ikaw lang ang laging laman ng aking isipan…

sana’y mabatid mo itong aking
nararamdaman
paki tignan aking puso
ikaw lamang ang laman…

‘di birong mahulog sa
iyong mga ngiti
na nagbibigay saya at kilig
sa’king mga labi…

Oh sinta, ikaw ang aking
Itinatangi, sa bawat
pagsubok na aking
kinakaharap..
ikaw ang nagsisilbing
lakas…

Panalangin ko lamang ay
ingatan mo ang iyong
sarili sapagkat
‘di ko ibig na pabayaan mo
iyong sarili…

Labis kitang mahal…
oh giliw ko…
ngunit aking ililihim
itong munti ‘kong pagtingin….