Palo doon, palo dito
Hampas sa taligiran, hampas sa ulo
Masakit na masaktan ng mga taong di ka kilala
Pero sa lahat ng sakit, di mo to iniinda
Maraming pagkakataong pinagtaksilan ka
Ng mga tao na inakala mong aalalayan ka
Pero tumayo ka pa rin at sinabing kaya ko pa
Kilala ka nila ng matatag
Sa kabila ng mga ilang bilyon mong paglagapak
Pero habang tumatagal
Ang katahimikan mo’y unti unting nararamdaman
Paglakad mong mabilis, tila biglang bumagal
Kasi yung paa mo di alam kung saan dadaan
Natatakot ka kasi na sa daan na tatahakin mo bahala ipahamak mo
:Dun ka sa nais ng puso mo” sambit mo sa sarili mo
Kahit delikado tinuloy mong maglakad ng diretcho
Masaya ka sa una
Walang mapaglagyan ang yong tuwa
Pero nung bandang gitna
Nasugatan ka na
Sinugatan ka nila
Sa kabila ng pagkalumpo mo
Tinuloy mo ang lakad mo
Pinakita mo kung gaano ka katatag
Di ka nagpadala sa matatalim nilang bitag
Nang may dumating ka na kasama
Biglang may nakitang pag asa ang yong mga mata
Kaya kinapitan mo sila
Di iniisip kung ikakapahamak mo pa ang pagkampi sa kanila
Ngunit nang bigla ka nilang tinulak
At mas malakas ang yong paglagapak
Dun mo na nakita yung mga pasa
Na isang katerba
Pinili mong lumayo
Kasi wala ka nag piniling pagkatiwalaan
Pinili mo nang mahirapan habang naglalakad palayo
Sa mga taong di mo na kayang pagkatiwalaan