Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Im lost. I don’t know what kind of sin I’ve done in my past life to suffer in my present life. Bakit ako? Bakit akong hindi marunong bumitaw at marunong lumaban ang nahihirapan? Bakit akong niloko ginago pinagpalit at itinapong parang basura ang naghihirap samantalang¬† ikaw ang saya saya mo. Ang saya saya mo na parang wala kang ginago na parang wala kang iniwan at tinalikurang pamilya para lang sa bagong kakilala. Bakit nagawa mong talikuran ang pamilyang binubuo naten para buuin ang hindi mo dugo’t laman? Bakit ang buhay ay napaka unfair. Bakit ikaw ang saya saya mo samantalang ako eto lumuluha sa sakit na nararamdaman. Habang ikaw ay natutulog ng mahimbing na sya ang katabi samantalang ako nananatiling gising at lumulutang ang isip sa daming tanong at bakit. Napakapait ng buhay.

Im lost. Ikaw na nasa taas bakit mo ako pinaparusahan? Bakit mo ako hinahayaang magkaganito sa kabila ng lahat ng mga sakripisyong ginawa ko? Bakit napakalupit ng tadhanang ibinigay mo sa akin? Sinusubok mo ba ako? Tama na. Pakiusap lang tama na. Kasi sumusuko na ako. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya pang maramdaman ang sakit araw araw gabi gabi na sa twing pipikit ako upang matulog ay mararamdaman ko lahat ng sakit pait galit na andito sa dibdib ko. Alam mo bang wala na akong pananampalataya pa sa iyo. Alam mo bang nanaisin ko ng mawala sa mundong ito dahil pagod na pagod na ako. IM LOST !

Send me the best BW Tampal!

* indicates required