Dear You,

Mahirap ka kalimutan. Lagi kang magiging part ng buhay ko, di man ng future ko. Pero kahit hindi na tayo. Nandito ka lagi sa puso ko. Alam ko un. Sayo ko binigay lahat ng firsts ko. Mahirap pero tatanggapin ko. Gusto ko simulan ung 2020 na masaya. Ready to be happy SINGLE. Mamahalin ko muna ang sarili ko. Gagawin ko ung mga bagay na hindi ko nagawa habang tayo. Magiging masaya ako pag nakilala mo na siya. Pag nakita mo na siya. Kahit hindi na ako un. Masakit, Oo. Pero mahirap pilitin ang isang taong mali para sayo. Ilang beses natin pinilit pero siguro nga ito na. May hangganan pala talaga ang lahat. Hindi ko ikakaila, mahal pa din kita. Pero.. tama na. Kakalimutan na kita.