Alam kong masaya ka.
Huwag mo silang pakinggan kung sinasabi nila na may mali sa’yo dahil wala kang lalaking best friend.
Kulang ka sa landi.
Mali sila.
Kung mas komportable kang babae ang kaibigan, go ka lang.
Kung ayaw mo pa ng gulo na dulot ng isang relasyon, ayos lang.
Hindi lahat ng single gusto nang mag-asawa. Tulad mo, masaya ka pa.
Marami silang naranasang maging atat. Nagdasal, dumating.
Kung iba ka, chill ka lang. Di ka nag-iisa.
Marami kayong ayaw rin maghabol ng lalaki. Ayaw magparamdam.
Dahil okay ka pa naman.
Masaya. Kontento.
Kaya huwag kang mag-alala na kontento kana.
Huwag kang matakot na hindi ka makakapag-asawa dahil hindi mo na ito ninanasa.
Kasi marami diyan, nakalima na nga, malungkot pa rin.
Hindi tulad mo.
Kaya oks lang. Mukha ka lang weird kasi yung mga nakapaligid sa’yo ngayon di ka gets.
Paano ka naging ok? Bakit masaya kang single lang? Anong past mo?
Hindi ka nila kailangang ma-gets. Hindi mo yan ikamamatay.
Pwede kang magdasal na bigyan ka ng ibang kaibigan..hindi, loko lang.
Pagtiyagaan mo na sila, pinagtiya-tiyagaan ka rin naman nila.
Patawarin mo sila kung nasasaktan ka tuwing umaasta sila na tila abnormal ka kasi di ka lang talaga malapit sa mga lalaki.
Hindi ka abnormal. Kakaiba, oo. Pero marami din kayo.
Kaya, gorabells am-mabelles. Don’t feel bad about being contented, happy and not seeking for a romantic relationship.
You’re doing fine.
In fact, you’re doing great.