Okay lang bumitaw

102
Alam ko napapagod ka na
Nawawalan ka na ng gana
Pero gusto ko sabihin sayo
Hindi ka mag-isa
Huwag ka mag-alala
Hindi rin kita pipilitin
Na kayanin ang mga bagay
Na gusto mo ng bitawan
At tila nagpapahirap sayo
Ngunit hanggang hindi ka pa desidido
Huwag kang bibitaw
Dahil malay mo bukas
O sa susunod na araw
Maayos na rin ang lahat
Baka pag kumapit ka pa
Ng isa pang beses
Mabago na ang ikot ng mundo
Pero kung sakali
Na gustong gusto mo ng bumitaw
Huwag kang mag-alala
Andito lang ako
Para damayan ka
Sa dilim na tinatahahak mo
Sa lungkot na kumakain sayo
Sa bigat na pinapasan mo
Andito lang ako
Hindi mo kailangan ikwento
Kasi alam ko
Ramdam ko
Naiintindihan ko
Yung hirap
Yung sakit
Na hindi mo alam kung saan nang galing
Na hindi mo rin maipaliwanag
Huwag kang mangamba
Andito lang ako
Halika sa tabi ko
At yayakapin kita ng mahigpit
Hanggang sa maramdaman mo
Na andito lang ako
Hindi ka nag-iisa