On Love and Investments
Categories Relationships

On Love and Investments

Sabi nila, ang love daw ay isang investment. Kung ano yung ipinundar mo, yun yung makukuha mo, may interes pa. 

Pero yun atang nagsabi nun, nakalimutang sabihin na sa investment, hindi lahat kumikita. Pag nagkamali ka ng pagkalkula, pag hindi mo pinaghandaan at pinag-aralan, o di kaya’y pag hindi pabor sayo ang panahon at pagkakataon, matatalo ka, malulugi ka.

Kaya dapat matuto ka. Pag-aralan mo kung paano mo maiiwasang malugi ng malaki. Pag-aralan mo kung kanino mo ilalaan yung puso at oras mo. 

“Don’t put all your eggs in one basket.” Hindi mo dapat ilaan yung buong puso mo sa iisang tao lang – wag mong paikutin yung mundo mo sa kanya. Tandaan mo, maraming klase ng love, wag mong kalimutan yung pamilya mo, yung mga kaibigan mo, yung mga taong sumusuporta’t nagmamahal sayo, higit sa lahat, yung sarili mo. 

Hindi dapat lahat na lang isusugal mo, importanteng maglaan ka ng para sayo. Ang iniinvest kasi, yun lang dapat kaya mong mawala sayo kapag natalo ka, yung siguradong sapat pa rin yung matitira sayo para makabangon ka.

At kung saka-sakaling malulugi ka, maging matalino ka rin. Kapag sigurado ka na sa mga signs na palugi ka na, tama na, awat na. “Learn to cut your losses”, ika nga, ang importante rito ay makabawi ka.

Nasa iyo naman yan kung paano mo hahawakan ang investment mo para sulit yung puhunan mo. Huwag ka lang padalus-padalos, at tandaan mo na ang investment ay ginagamitan palagi ng utak. Dalhin mo yung utak mo, hindi puro puso.

“The higher the risk, the higher the return – but invest wisely, especially when it’s your time and love that you’re investing.”