Paalam Ang Simula
Categories Poetry

Paalam Ang Simula

Isang gabi ng pamamaalam
Sa aking malalapit na kaibigan
Pamamaalam na puno ng kasiyahan
Na hindi matatawaran at ikaw ang dahilan.
Ako ay babalik na sa dayuhang bansa
Kung saan ako ay muling magtatrabaho
At itutuloy ang buhay na malayo sa mga
Taong minamahal at pinahahalagahan ko.
Paalam ang simula ng ating kwento
Ng mahulog tayo sa pagibig na hindi sigurado
At hindi alam kung saan patutungo
Na kung saan hindi natin pareho ginusto.
Habang iniisip ko na pagkakamali lamang
Ang pangyayaring ito, sinabi mo sa akin na
Para akong gago dahil pareho nating ginusto
Ang mahulog pag-ibig na nakakalito.
Dahil sa isang pangyayari, ako’y di natuloy
Sa bansang aking pupuntahan kaya’t bumalik sa bayang aking kinagisnan at muli ika’y nasilayan kasama ng aking mga kaibigan.
Masaya ako sa muling pagtatagpo ngunit
Nalulungkot at nalilito ang aking puso
Dahil alam ko,merong babalik para sayo
Na andun sa kabilang panig ng mundo.
Sinikap pagtakpan ang aking nararamdaman
Lumayo at nagpakaabala sa kabilang bayan
Pero sa kabila ng aking kaabalahan
Lagi ka pa ring laman ng aking isipan.
Lumipas ang mga araw at mga buwan
Para tayong mga batang naglalaro ng taguan
Na hindi alam kung paano ipaparamdam ang ating mga nararamdaman dahil sa pagaalinlangan.
“Ano ba ako sayo?”  Reserba? rebound?
Yan ang tanong ko sa sayo. “Ewan ko”.
Yan ang sagot mo na nagpawindang sa aking pagkatao at nagpakirot sa aking puso.
Sabi ko ayoko na dahil ako lang naman ang umaasa na sa dulo merong tayong dalawa,
Iniwasan kita pero sa bandang huli ako rin ang nagmukhang tanga dahil ikaw lang talaga.
Sa huling pagkakataon tinanong kita ng ako’ y
papaalis na “ano ba ako sayo?” ang tanong ko “Mahal Kita” yan ang sagot mo at ito’y pinanghahawakan ko ngayong ako’y malayo.
Andito sa aking puso ang agam-agam na Baka maulit ang nakaraan ngayong sya ay babalik at ako naman ang malayo “puso mo kaya ay di malito?” Yan ngayon ang tanong ko.
Paalam ang simula ng ating pagiibigan
Na hindi alam kung saan ang patutunguhan,
Aabot ba sa hanggang sa tayo ay magkatuluyan o talagang paalam na lamang?