Paano at Sana
Categories Move On

Paano at Sana

‘Pano ka magmamahal?
Kung ang pait ng kahapo’y di malimutan

Kung mga alaalay’y pilit binabalikan

‘Pano ka magmamahal?
Kung kahapo’y araw-araw ginugunita?

Kung sa iyong pagmulat,
May tatlong luhang pumatak.

Hanggang sa maging tatlumpu…

Tatlumpu— tangina!
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na kaya ang bigat ng aking nararamdaman.

Mahirap-
Mahirap lunukin ang mga laway
Na hindi magawang matatas ang mga salitang pilit kumakawala

Mahirap magkunwari sa sariling tapat sa kanyang nararamdaman.

Sa mga posas ng mga matatamis na salita’t pangako ninyong dalawa.

Hanggang sa natapos.
Natapos sa ako.

Ako nalang ang bubuhat sa sariling nasubsob.
Ako nalang ang gagamot sa sugat na iyong dulot.

Ako na lang…

Sana ako na lang…

Sana ako na lang at hindi siya.
Dahil sa bawat siya na ang mahal ko,
At bawat “masaya na ako”

Ay ako, na umaasang bumalik ka.
Naghihintay ng walang kasiguraduhan.