Paano ba mag-move on? Paano nga ba??? Iyan ang laging tanong ng karamihan, lalo na ng mga palaging sawi sa pag-ibig. Isang tanong na may maraming sagot. Mahirap ipaliwanag pero ginagawa natin ng hindi natin alam. Isang proseso na mas mahirap pa kaysa sa panliligaw o sa pagla-laydown ng intentions natin o pag-amin ng ating nararamdaman sa iniibig natin. May dalawang katanungan palagi pagdating sa pagmo-move on at sa paraan kung paano gagawin. Paano nga ba mag-move-on, at paano ka magmo-move on kung hindi naman naging kayo? Ang labo noh????
Marahil ay nagbabad ka na rin sa panonood ng mga pelikulang tungkol sa pagmo-move on like “One More Chance” o “The Breakup Playlist” (madami pang iba kaso iyan lang yung mga naalala ko). Pwede ring pinuno mo na ng mga hugot songs ang iPod o yung walkman mo; o may sarili ka ng playlist sa Spotify ng mga hugot songs mo. Paki-check naman ng playlist mo kung meron ka dyan na kantang “Muli” ni Gary V at “Pagdating ng Panahon” ni Ice Seguera kung OPM ang trip mo at kung foreign songs naman, paki-check kung meron ka ng “The Pieces Don’t Fit Anymore” ni James Morisson, “The Art Of Letting Go” ni Mikaila o “I’ll Be Over You” ng bandang Toto. Pwede?? Kung wala, paki-dagdag naman, magaganda yan (joke – pero meron ako nyan)… Marahil ay minsan mo ng nakatulugan ang earphones mo (o headset kung dyan ka komportable) habang pinakikinggan ang mga kantang yan habang lumuluha ang mga mata mo at nagtatanong kung bakit di na kayo o bakit di ka nya pinili (o bakit may jowa na syang iba – wrong timing, tsk). Maari din ay nakatulugan mo na rin na bukas ang TV mo at nagstop na ang pagplay ng Netflix hugot movie mo habang umiiyak dahil sa parehong katanungan. Dalawa lang naman ang tanong yan kung tutuusin – Bakit ganun?? Bakit sya pa?? Paano ako makaka-alis sa sakit na eto?? Paano ko sya malilimutan?? Dalawa lang yan – kung hindi bakit o paano.
Balik tayo. Sa bawat hiwalayan at rejections (o discard o minsan wrong timing) ay may iba ibang approach kung paano mag-move on. Pero kaibigan eto lang ang tandaan mo – dadaan at dadaan ka dyan, at iyan ay hindi mo pwede lakdawan – di uso shortcut dyan. Narito ang kailangan mong gawin at tandaan – depende sa’yo kung gaano katagal:
- Acceptance. Tanggapin mo kung nasa anong sitwasyon ka ngayon. May mga bagay o pagkakataon na babalik sayong alaala na pwede kang mapaisip kung pwede mo pa bang balikan (Regine Velasquez – Kung Maibabalik Ko Lang) o pwede mo pang maitama pa. Kaibigan, wala pang time machine na nasa merkado ngayon para magawa mo yan. Nangyari na ang nangyari, wala ka na magagawa dun – sabi nga, wala na, finish na. Ang tangi mong magagawa is huwag mong ibaba masyado ang sarili mo at akuin ang lahat. Kung breakup yan, dalawa kayong nagdesisyon nyan. Kung ikaw yung dahilan, tanggapin mo, kung hindi, tanggapin mo pa rin. Kung ikaw naman ay basted – wala ka nang magagawa talaga – ayaw nya sa’yo. Masakit, pero kailangan tanggapin – it really hurts (sayaw ka na lang).
- Do some self – assessment, baka nasa iyo naman ang problema – I am not saying na hindi ka gustuhin – baka hindi ka nya type. Kausapin mo ang isa sa pinakamalapit mong kaibigan (na opposite sex) kung may problema sayo. Kung basted ka, kausapin mo yung dating bumasted sa’yo (yung kaibigan mo na ulet pagkatapos ka nya bastedin). Isa sila sa mga makakapagsabi kung may problema sayo. Hindi ko sinabi na mag-self pity ka, magkaiba yun. Huwag ka mag-habol, maiinis lang sa’yo yun lalo. Hayaan mo lang sya.
- Take time to mourn. Pagbigyan mo ang sarili mo na iyakan sya. Pwede mo gawin yung trip mo kung paano ka magluksa sa breakup o basted. Magpakalunod ka sa hugot movie at songs, basta in moderation. Talk to your friends, spend time with them. Kung okay lang sa kanila na i-check ka nila every 12 hours, sabihin mo sa kanila. Hangga’t maaari, huwag mo hayaang mag-isa ka, lalo kung hindi ka sanay. Do not isolate yourself, huwag kang mahiya na sabihin ang pinagdadaanan mo sa mga malapit mong mga kaibigan. Pero, wag mo masyadong tagalan, wag mo rin naman madaliin. Ang problema, dinadaanan lang, hindi tinatambayan. Although wala naman maglilimita sa’yo kung hanggang kailan ka magluluksa sa breakup or rejections – pero you have to stand up again.
- Do the things you usually do. Keep yourself busy. Self explanatory yan, para mabawasan time mo sa pag-iisip mo sa kanya. Mag-outing ka, kahit ikaw lang or kasama mo yung mga closest friends mo, okay yun.
- Focus on other things na malilibang ka – like new hobbies, sports. Mag-workout ka, para maging hunk ka (kung guy ka) or maging mala mowdel ka (kung girl ka). Set new goals para ma-divert yung attention mo dun sa bumasted o nang-iwan sayo. Mag-alaga ka ng pet, nakaka-alis yun ng lungkot…
- Balik ka kay God (dapat number 1 eto). Set your eyes on HIM. Kung nung me jowa ka, nawawalan ka ng time sa Kanya, pwede mo ng dagdagan oras mo sa Kanya. Have your devotions mo regularly at basa-basa ng Bible. Pero next time, huwag mo na bawasan yung God time mo para sa babe-time.
- Take time to heal your heart. Buoin mo ulet ang sarili mo na nadurog o nawasak sa pagmamahal mo sa kanya. Huwag mo gayahin si Jerry Maguire, na sasabihin mo na “You complete me….“, kumpletuhin mo muna ulet sarili mo brad/miss. Huwag kang magmadali. Iwas ka din muna mag-connect sa mga friends mo na may “dating” sa’yo (yung mga potential crush), nasa marupok na stage ka, tandaan mo. Kung marupok ka na dati, nasa mas marupok ka na stage ngayon. Don’t make someone a rebound, masama yun; nandamay ka pa sa pain mo. Utilize the time to be healed. It may take longer sa iba, huwag ka lang atat kaibigan, may sariling timing si God. Ayos lang naman makipagkaibigan pero huwag muna mahulog, mahirap na.
- Have an accountable friend/s na magreremind sayo at susuporta sayo sa healing process. Huwag yung mga BI (as in bad influence), na kung saan saan ka dadalhin, di ka pa nga magaling, nagkasala ka pa. Piliin mo yung mga kaibigan mo na sinasabihan mo ng lahat, about dun sa ina-eye mo pa lang yung bumasted sayo (o yung ex mo). Sasamahan ka nila hanggang maging okay ka na (yung mga godly friends). Tutulungan ka din nila to improve yung sarili mo. After nyan, version 2.0 ka na.
- Huwag kang magpuyat, masama sa katawan yun.
- Higit sa lahat, surrender all your pain to God. Let Him heal you.
Hindi madali ang mag-move on, di yan naka set gaya ng “3 month rule” na dapat okay ka na after 3 months. May mga taong madaling makapag-move on, at may mga matagal (minsan inaabot ng taon o higit pa). Huwag mong pilitin na maging okay ang lahat kasi disgrasya lang aabutin mo, pwede ka pang makasakit ng ibang tao dahil sa pinilit mo – Rebound. Hindi panibagong pag-ibig ang gamot sa sakit na dulot din ng pag-ibig. Take time, trust the process, at patuloy na maniwala, magtiwala at kumapit sa Kanya. Ikaw lang din ang makakapagsabi kung magaling ka na 100%. Kapag dumating na iyon, maligo ka, bihis ka, magpagupit ka, at humarap ka lahat. Pwede ka na ulet umibig… Pero sa ngayon, ayusin mo muna sarili mo. Huwag ka magmadali kaibigan, tampalin kita dyan ng module…
Just remember, in Ecclesiastes 3:11 – He has made everything beautiful in its time. He has also set eternity in the human heart; yet no one can fathom what God has done from beginning to end.
Take your time kapatid. Buhay mo yan, at puso mo yan. Ang pag-ibig ay hindi karera. Habang nagmo-move-on ka, idagdag mo na rin eto sa playlist mo.
Indecent Obsession – Fixing A Broken Heart
The Williams Brothers – Can’t Cry Hard Enough
St Paul Peterson – Only Reminds Me Of You.
Rick Price – Heaven Knows
-The Basted Bachelor