Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Masaya kaya ako kung nag confess ako?
Magiging mas exciting kaya ang araw ko kung lagi tayong mag uusap?
Masaya ka rin kaya saakin?
Gusto mo rin kaya ako?
Magbabago ba ang takbo ng buhay ko kung ginawa ko ang mag confess sayo?
Mga tanong na hindi ko alam kung paano masasagot.

Lagi akong nakasubaybay sa mga achievements mo.
Sobrang saya ko kapag nakikita kitang masaya at matagumpay sa mga ginagawa mo.

Ang hirap kapag babae ka,
Hindi mo masabi na “I’m super proud of you!” sa lalaking gusto mo.
You wanna approach him but how?
In what way mo kaya pwedeng masabi na “Uy ang cute mo naman kuya…”

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nakakatakot na baka hanggang kaibigan lang pala talaga ako sayo
Or worse, hindi mo na ako ituring pang kaibigan.
Masaya naman na ako sa kung nasaan ako.
Ayos na ako na nakikita kitang ina-achieve ang goals mo na sana ay kasama ako.
Masaya na ako kapag nagkakasalubong tayo sa hallway ng University at ngingitian mo ako.
Masaya na rin ako kapag nag r-react ka sa mga shared post ko
at kapag na s-seen mo mga story ko.

You don’t know that in that simple way,
Nabubuo mo na ang araw ko.

Pero paano kaya kung sabihin ko na may gusto ako sayo?
Magbabago kaya ang tingin mo saakin?
Ngingitian mo parin kaya ako kapag magkakasalubong tayo?
Mag r-react ka parin kaya sa mga shared post ko?
O i-uunfriend mo na ako?

Ang daming pwedeng mangyari sa isang tanong na kailan man
na sure ako na hindi ko maaaring itanong sayo.

I feel like I’m waiting on something that ain’t gonna happen.

Dito nalang ako.
Masaya na ako na hindi mo alam na may feelings ako sayo.
Baka kasi hindi mo naman talaga ako gusto
at baka may iba kang gusto.

Sana alam mo na I’m always here for you.
It may not be obvious, but God knows that I really care for you.

Ayoko ding umabot sa punto na kapag gusto mo na ako,
Ako naman ang walang nararamdaman para sayo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required