Paano maging tanga?
Categories Contribution

Paano maging tanga?

Paano nga ba maging tanga?

Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging tanga?

Maraming klase ng tanga.

Tanga sa buhay, tanga sa pag-ibig, tanga sa eskwela o yung tipong sadyang tanga lang talaga. Maraming rasong kung bakit nagiging tanga ang isanv tao. Isa na dito ang kadahilanang hindi nila kayang tanggapin ang isang pangyayari kaya nagtatanga-tangahan nalang. Marami pang ibang dahilan. Eto na mismong ginagawa kong to ay isa na ding dahilan ng katangahan.

Pano nga ba talaga maging tanga, pano maging tanga sa pag-ibig.

 

Una, ipakita mong mahal na mahal mo siya kahit harap-harapang ginagago ka niya. Sobrang sakit panigurado yung makita mong may ibang kaharutan yung taong mahal mo. Kaso tanga ka nga eh, kaya magbubulag-bulagan ka nalang na para bang walang nangyare.

 

Ikalawa, ipagpilitin mo sarili mo sa kanya kahit ayaw niya na. Hindi madaling ipagsiksikan ang sarili sa taong hindi ka naman na gusto talaga. Magmumukha ka nalang pang-gulo sa buhay niya. Yung tipo ng na imbes na makatulong ka sa problema niya eh mas mukhang nakakadagdag problema ka pa.

 

Ikatlo, panghawakan mo lahat ng mga sinabe niyang pangako, kahit alam mong siya na mismo ang pumako. Eto yung pinakamasakit eh, yung mangangarap kayo ng sabay tapos sa huli pala eh ikaw lang din palang mag isa ang tutupad ng mga pangarap niyo. Mga pangarap niyong sabay binuo.

 

Ika-apat, magmakaawa kang huwag kang iwan. Isa sa pinakamalaking katangahan ng tao ang magmakaawa. Subok ko na din to *laughing while trying not to cry*. Hindi maganda ang magmakaawa. Nakakababa ng pagkatao ang pagmamakaawa. Kase kung mahal ka talaga niya eh, hinding hindi niya hahayaang umabot ka sa puntong kailangan mo pang magmakaawa para lang mag stay siya sa buhay mo. Hindi tamang magmakaawa, magmumukha ka lang lalong tanga.

 

Ika-lima, umasa ka paring babalik siya. Huwag ka nang umasa, masasaktan ka lang. Masakit at mahirap umasa sa wala. Yung aasa ka araw-araw na magiging okay din ang lahat. Hindi magandang gawain ang umasa nalang palage lalo na kung alam mo namang wala na talagang pag-asa. Maniwala ka sa kanya na pag sinabe niyang wala ka nang aasahan sakin, ibig sabihin nun wala na talaga.

 

Ika-anim, ipakita mong hindi mo kaya ng wala siya. Mas lalo lang siyang lalayo sayo kapag ganyan ginawa mo. Magmumukha ka rin lang miserable pag ginawa mo yun. Huwag na huwag mong ipapakitang hindi mo kaya ng wala siya. Kase in the first place nabuhay ka sa mundong to kahit di mo pa siya nakikilala. Ayaw ng mga babae sa taong miserable. Kailangang magmukha kang kagalang-galang, yung tipo ng tao na minahal niya dati. Baguhin mo sarili mo hindi para sa kanya, kundi para sa sarili mo.

 

Ika-pito, ipakita sa kanyang naghihintay ka parin para sa kanya. Mahirap mag move on sa taong akala mo eh makakasama mo na buong buhay. Mahirap kalimutan lahat ng pinagsamahan niyo. Pero paano pag nakita mo mismo sa kanya na parang wala lang lahat ng meron sainyo? Pano pag pinaramdam niyang ganun ka lang pala kadaling palitan? Pano pag handa niyang bitawan lahag ng mga pangarap niyo. Huwag mo nang hintayin ang ganung klaseng tao. Magmumukha ka lang tanga.

 

Ika-walo, mag-mahal ng iba habang mahal mo pa siya. Huwag na huwag na huwag mong gagawin yan. Wala kang karapatang magmahal ng iba lalo na kung mahal mo pa yung isa. Kawawa, nakakaawa at nakakasawa. Yan nalang isipin mo. Kawawa ang taong ginawa mong rebound, ipaparamdam mong mahal mo siya kahit hindi naman pala totoo. Nakakaawa dahil paniguradong titingin ka parin sa dati mo kahit alam mong masasaktan lang siya. Nakakasawa dahil magsasawa ka rin lang talaga. Ang hirap magkunwaring masaya ka sa kanya, kawawa siya. Huwag kang tanga, hindi siya option lang. Option na pwede mong i-turn on at i-turn off bigla-biglaan. Tao yan hindi laruan. Mahalin mo muna sarili mo bago ka magmahal ng bago.

 

Ika-siyam, isisi sa taong nang iwan sayo ang lahat. Marahil may mga bagay talagang dahilan ng paghihiwalay niyo. Lalo na siguro kung nang-galing kayo sa isang matagal na relasyon. Tipong legal kayo on both sides ng pamilya niyo. Yung yung pinakamasakit at mahirap tanggapin. Kilala na kayo ng buong pamilya niyo. Parang naghihintay nalang makapagtapos, magkatrabaho at magpakasal. Tapos pag naghiwalay kayo eh sisihan agad ang gagawin? Mali yun, isang malaking katangahan yun. Hindi madaling tanggapin ang hiwalayan sa isang relasyong taon na binibilang at hindi buwan. Pero isipin mo marahil may mga pagkukulang ka at may pagkukulang siya. Hindi sapat ang salitang “mahal kita” para lang ipakitang mahal mo siya. Tapos ngayong naghiwalay kayo eh sisihan na, bawian na? Wag kang tanga. Pabayaan mo siya, kase kung mahal ka talaga niyang eh babalik siya.

 

Huli na to, sampu.

Lolokohin mo ang sarili mo at paniniwalaang isang malaking panaginip lang lahat ng to. Mas madali panigurado na isiping panaginip lang lahat ng nangyayari sayo. Ang mahirap lang eh ang gumising, pipilitin mong gumising kahit alam mong totoo na pala talaga to. Alam ko andaming nagpapaka-tanga sa pag-ibig ngayon. Hindi maiiwasan yun, tao lang tayo. Maniwala nalang siguro tayo na may plano ang diyos sa atin. Na may taong nakatadhana talaga para satin. Imbes na magpakaloko sa isang tao, mas mabuting mahalin nalang natin ang sarili natin. Magpakabuti tayo, para sa panahong makita man natin ang taong nang iwan satin. Makakangiti tayo ng buong puso at mapapa-isip nalang ng “salamat sa taong to, kundi dahil sa kanya hindi ako magiging ganto.”

 

Sa totoo lang sobrang hirap iwasan ang pagiging tanga sa pag-ibig. Tao lang tayo minsan pokmaru at minsan matatag. Hindi lahat ng tao pare-pareho, pero wala ni isang tao ang may karapatang ipa-mukha sayong wala kang kwenta at iwan ka nalang bigla.

 

Kaya ako? Mamahalin ko nalang din muna sarili ko. Kase para sakin din lahat ng to. Hindi masamang umasa, pero masamang umasa sa wala. Hindi masamang maghabol, pero masamang maghabol sa taong hindi naman dapat hinahabol. Hindi masamang magpakatanga minsan, pero masamang araw-arawin ang pagiging tanga.

 

Kase kung kayo talaga ang para sa isa’t-isa. Babalik sayo yan. Nakadepende nalang sayo kung tatanggapin mo pa ulit. Nakadepende nalang sayo kung magpapakatanga ka pa ulit. Huwag mong isarado ang puso mo. Malay mo sa pagiging tanga mo din pala makikita ang silbe mo dito sa mundo.