Paano magmahal nang ‘di nasasaktan?
Paano nga ba?
Sa totoo lang kasi, ‘di ko alam kung paano sisimulan
Ang tulang ginawa ko na hindi naman masyadong mahaba
Pero sinisiguro ko at sisiguraduhin ko
Na bago matapos ang tulang ito
Mapapaisip ka at mapapatanong sa sarili mo
“Paano nga ba magmahal nang ‘di nasasaktan?”
Paano nga ba magmahal nang ‘di nasasaktan,
Sa isang tao na palaging nandyan
Pero hindi ikaw ang nilalaman
Ng puso niyang may ibang minamahal
Kaya mo ba?
Kaya mo bang makipag-agawan ng atensyon
Sa taong alam mong siya ang karelasyon?
Kaya mo bang ipaglaban
Ang isang bagay na wala namang kasiguraduhan?
Kaya mo bang ikubli ang sakit
Ng pusong dahan-dahang napupunit?
Kaya mo ba?
Kakayanin mo bang magmahal nang ‘di
nasasaktan?
O sadyang lahat tayo nasasaktan kapag nagmamahal?
Imposible
Oo, imposible…
Gaya nang luntian
Na imposibleng maging pula kahit kalian
Gaya nang bilog na hindi tutuwid
Kahit na ano pa ang iyong ipabatid
Gaya nang konsepto
Na tayo ang magkakatuluyan hanggang dulo
Oo, imposible nga
Imposible kasi may konsepto ng iba
May ibang dahilan ng pagkislap ng iyong mga mata
May ibang nagpapakurba sa labi mong makata
Pero huwag kang mag-alala
Handa na rin naman ako maging iba
Nagbabaka sakaling ako naman ang iyong makita
Pero paano nga ba magmahal nang ‘di nasasaktan?
Simple lang ang sagot, e, pinahaba ko lang sa kadahilanan
Na nagbabaka sakali ako,
Nagbabaka sakaling pwede pa tayo
Nagbabaka sakaling may pag-asa pa na maging ikaw at ako…
Pero wala talaga, e…
Nagmahal ako at nasaktan…
Dalawang salita na ‘tila parang kambal…
Di na mapaghihiwalay, malabong iwanan ang isa’t isa…
Pero iiwan ko na lang rin ang katanungan
“Paano magmahal nang ‘di nasasaktan?”