Pag ASA-ness?
Categories Relationships

Pag ASA-ness?

Tanga nga ba akong maituturing?
Kung ang nais ko lang naman ay muli kang maging akin?

Habang ako’y abalang mangarap na matawag na muli’y akin ka, ikaw namang abalang matawag ng pagmamay ari na ng iba.

Abalang pasayahin siya.
Abalang alalahanin kung nasaan siya.
Alamin ang mga bagay na magpapasaya sakanya.

May pag asa pa nga ba?
Maibabalik paba ang dati nating saya?
Mga tawanan at kulitan, mga simpleng asaran at mga makahulugang ganap na sadyang palaging naglalarawan ng kasiyahan,

Pag mamahal na nilaban, bigla mo nalang sinukuan.
Taon din ang nilabanan.
Sinubukan at sinubukan, madalas talunan pero sige lang, ganyan lang talaga ang pagmamahalan.

Sadyang mapaglaro ang tadhana.
Masugid kong binantayan ang paghanga, minahal at niyakap ang lahat pati pagtanggap sa pagpapanggap mapanatili lang may lingap.

Pero paano nga ba kumawala?
Kung ang damdamin ko’y sadya paring nagwawala. Sa oras na maiisip kong kinalimutan na’t binitawan.
Sugat at hapdi sadyang nandyan.