Pag-ibig… Ano nga ba Ito na wari’y iba’t-ibang epekto sa bawat tao. Simpleng kataga pero iba-ibang interpretasyon. May mapapangiti. dahil sa wakas, may forever pala talaga May Ibang ikinukubli ang luhang malapit nang pumatak mula sa mata. Dahil bawat luha ay alala ng mga kahapon na di kayang harapin dahil wala na sya. Meron namang ang dating pagmamahal ay natabunan na ng poot, hinihiling na sana’y di na lang nabuhay sa mundong ibabaw. Pero ano nga ba ang totoo? Ano nga ba ang pag-ibig? Na kahit si Florante ay handang hamakin Na kahit si Romeo at Juliet ay handa itong ipaglaban. Ako man… Ay nangarap na sana ay maranasan ang tamis ng pag-ibig. Ilang beses naghanap, Ilang beses nabigo. Gaya ng isang negosyanteng matapos mamuhunan, ayon at uuwi din palang luhaan. Ang gusto ko lang naman ay may magsabi sa akin ng katagang “Mahal kita at mahalaga ka” Pero talagang kay ilap nya. Minsan nga napakanta na lang ako ng ‘pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa’ Naisip ko ng sumuko sa pag-ibig na sinasabi nila pero dahil puno ako ng takot, pinilit ko kahit mali. Mali na para lang mahalin ay nakalimutan ng magmahal sa sarili. Na sa bawat oras na kelangan ng matapos, para akong si Cinderella na umaasang hahabulin ako ni Prince Charming. Nagkamali ako. Nabulag ako. Baka nga wala ng para sa akin. Baka may itinalaga sa iba pero wala para sa akin. Pero nang handa na ako sumukong magmahal at mahalin, heto at may biglang kumatok sa pintuan ng puso ko, na kahit pilitin ko man wag Sayang pagbuksan ay di ko kayanin. Iba sya sa lahat…Oo alam ko iniisip nyo… Na narinig nyo na yan. Na baka umaasa na naman ako sa wala. Pero totoo, kakaiba sya. Dahil bago ko pa sya minahal ay minahal nya ako. Pero dahil ilang beses nang umasa, at ilang beses nabigo, humingi ako ng pruweba. Pinakita nya ang kamay nyang butas ng dahil sa pagpako. Pagpako sa Kanya sa kasalanang hindi sa Kanya ngunit sa akin. Kasalanan kong kahit anong gawin ko ay di ko kayang pagbayaran. Ngayon… Alam ko na kung ano ang Pag-ibig. Yan ay ang maranasan ang pagmamahal ng Diyos na sa una pa lang ay inalay na nya. Na kahit madapa ka, handa ka nyang alalayan sa pagtayo mong muli. Handa syang tawirin ang langit hanggang lupa. Lupa hanggang impyerno matubos ka lamang. Buhay Nya ay binigay kahit hindi mo hilingin. Pag-ibig na siguradong walang iwanan. Pag-ibig na handa ka buuin kahit basag na basag ka pa. Sya lamang at walang iba ang may kayang gawin yun. Pag-ibig na handa ka palayain sa mga kasinungalinan na nagkulong sayo. Dati… Gusto ko lang ay may magsabi sa akin na “Mahal kita at mahalaga ka” pero higit pa dun ang ginawa Nya. Kung hindi pag-ibig ang tawag dito ay ano to? Pero ngayon alam ko na… Ang Pag-ibig ay ang masabi kong nang dahil Kay Hesus, Wala nang hahanapin pa. Si Hesus at ako ay iisa na. Ako sa kanya. Sya sa akin.
Categories RelationshipsHow To Stop Loving a Person Who Continuously Rejects You By The Basted Bachelor
Categories RelationshipsHow to Deal with A Manipulative Sadboi or Sadghorl By Alexandrea Marie Villafranca