Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nasanay ako na lagi kang nanjan

Nakaantabay sa sagot kong malaman

Naghihintay ng susundan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


nasanay ako ng di ko namamalayan

 

nasanay ako na kausap ka

nagtatanong kung “kumain ka na ba?”

naghahanap ng pwede pang pagusapan

nasanay ako ng di ko namamalayan

 

nasanay ako sa mga bagay na di ko naman talaga ginusto

pero natuwa sa sayang dulot nito

ang atensyon mong ninanais

para akong nasa langit

 

pero ngayon napatunayan ko

wala pala talagang permanente sa mundong toh

ang galak na naramdaman

naglaho na parang abo

 

iniintindi ko

sinusubukan ko

pero kahit anong gawin ko

nalulungkot pa din ako

 

may pagkukulang ba ako?

Lahat naman ginawa ko

Ayoko lang talaga na namimiss ko

Ang atensyong binigay mo

 

siguro balang araw matatanggap ko

pagbabago na di ko din naman ginusto

unti-unti ako ay babangon

pero yung sakit na naramdaman ko,

maiiwan dito sa puso ko

 

masisisi mo ba ako?

Takot na akong magmahal ng dahil sayo

Yung mga nakasanayan kong di ko ginusto

Na maaaring ibigay ng iba ay kamumuhian ko

Send me the best BW Tampal!

* indicates required