Ilang araw na lang ang natitira
Tayo’y maghihiwa-hiwalay na
Makalipas ang ilang taong pagsasama
Tayo’y mamamaalam na
Mga araw na puno ng kasiyahan
At mga araw na puno ng kalungkutan
Mga ala-alang nakatikim sa puso’t isipan
Mga pangyayaring di ko malilimutan
Sa huling araw ng ating pagsasama
Bubuhos ang mga luhang mula sa mata
Dulo’t ng sayang tayo’y magtatapos na
Ngunit may lungkot din dahil ito na ang huling pagkikita
Pagkatapos ang ilang taon
Muli tayong pagtatagpuin ng panahon
Huhungkatin muli ang ala-alang nakabaon
Mga buhay natin sa sekondarya noon.