Sa mga pagkakataong sinasabi mong ikaw ay nasasaktan, ikaw ay lumuluha,
Pinipilit na hanapin ang mga salitang makakapagbalik ng kasiyahan sa iyong mukha.

Bakit hahayaang kunin ng hapis ang iyong mga ngiti,
Kung ang iyong ligaya ang nagbibigay ng buhay para magpatuloy sa lahat ng pait?

Bakit papayag na ikaw ay biglang bibitaw na lang,
Kung ang lahat ng kulay na nakikita at memorya na naaalala ay ikaw ang dahilan?

Sa mga salitang binibitawan, marahil ikaw ay naguguluhan.
Alam nating maraming katanungan sa mga bagay na nabibigyan din ng maraming kahulugan.

Pero ang gusto lang ipahiwatig na ang mga ito ay walang hinihinging kapalit.
Sa mga salita at kilos na nagbibigay ng pawi at nagpapalimot sa iyong kalungkutan.

Hayaan mo lang.

Kahit sa panandalian lamang.