Paano ka ba makakamove on? Sa tulong ba ng iba? Magpakabusy? Maghanap ng iba? Magsaya kasama ang barkada o pamilya? Oo tama kayo lahat ng ito’y sinubukan ko na pero wala akong napala. Andito pa din ung sakit, sakit na nararamdaman ko mula ng iniwan nya ako. Andito pa din ung galit, galit na naramdaman ko mula ng lokohin nya ako. Andito pa din yung pait, pait ng nakaraang hinding hindi ko malimutan. Sa bawat araw na dumadaan at lumilipas ng di ko namamalayan bakit andito pa din ang kirot na nagmumula sa puso kong sugatan. Bakit di ka mawala wala kahit pinipilit kong kumbinsihin ang sarili kong bumangon at makalimot pero hindi ko magawa. Hindi makamove on dahil ba umaasa akong isang araw babalik ka. Babalik ka upang itama ang iyong pagkakamali. Di makamove on dahil ba pinili kong huwag mag move on?

Tanong ko sa aking sarili. Paano nga ba makamove on?